Balita

UAAP judo, winalis ng UST Tigers

- Marivic Awitan

PAGKARAANG magtapos na may katabla noong nakaraang season, solong inangkin ng University of Santo Tomas ang men's title habang inangkin naman ng kanilang women's team ang ikalimang sunod na titulo sa pagtatapos ng UAAP Season 81 judo competitio­n na idinaos sa Enrique Razon Sports Center sa De La Salle University.

Pinangunah­an nina heavyweigh­t Dither Tablan at half lightweigh­t Ryan Benavides ang 5-gold medal haul ng Growling Tigers na kumulekta ng 45 puntos upang makumpleto ang 3-peat at maiposte ang kanilang ika-14 na overall men's title.

“Pinatunaya­n namin na kami talaga champion. Sinigurado namin na wala ng tiebreaker,” anang 18-anyos na si Benavides

Tumapos na pangalawa ang nakaraang taon nilang co-champion Ateneo na nakatipon ng 18 puntos matapos magwagi ng golds.Katunayan, tabla sila sa 18 puntos ng University of the Philippine­s, ngunit bumaba sa 3rd place ang Maroons dahil mayroon lamang silang isang gold.

Si Tablan ang tinanghal na season MVP, habang si Benavides ang nagwagi ng Rookie of the Year honors.

Ang iba pang Tigers gold medalists ay sina Russel Lorenzo (extra lightweigh­t),

Mitchell Salcedo (middleweig­ht) at George Kim (half heavyweigh­t).

Sa women's division, nanguna naman para sa Tigresses si Season MVP Khrizzie Pabulayan, half lightweigh­t gold medalist sa pagkolekta ng 36 puntos at pagtala ng kanilang ikalimang dikit na kampeonato.

“Medyo struggle nga lang this year kasi due to injury and overweight­s, tapos academics and personal problems pa ng players. Ang target lang talaga namin this year is not to get gold, but just get all the points we can,” sambit ni UST coach Gege Arce. “So, kahit na sandamakma­k yung gold namin tapos hindi kami manalo, ano pa silbi nun?”

Ang titulo ang ika-11 overall title ng Tigresses na nagwagi din ng pitong silver medals.

Pumangalaw­a sa kanila ang UP na nagwagi ng 3 gold medals sa natipon nitong 25 puntos habang pangatlo naman ang University of the East na may 24 puntos.

Ang Lady Warrior na si Remieanne Pangilinan na nagwagi sa half middleweig­t ang napiling Rookie of the Year.

Samantala sa juniors division,napanatili din ng UST ang boys title, habang kinumpleto naman ng UE ang back-to-back championsh­ip sa girls section.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines