Balita

Coco, bawal banggitin sa GMA shows

- Ni REGGEE BONOAN

NAG-REACT ang supporters ni Coco Martin dahil hindi man lang daw binanggit ang pangalan niya sa programa ng GMA 7 bilang isa sa bida ng pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredi­bles kasama sina Vic Sotto at Maine Mendoza, na kasali sa 2018 Metro Manila Film Festival at produced ng APT Entertainm­ent/MZet Production­s at CCM Film Production­s, na mapapanood na simula sa Disyembre 25.

Tanong sa amin ng mga loyal supporters ni Coco at ng programang FPJ’s Ang Probinsyan­o:

“Bakit hindi binanggit pangalan ni kuya Coco? Bida naman siya, pareho lang sila ni Bossing Vic?”

Ipinaliwan­ag namin na ang programang hindi binanggit ang pangalan ni Coco ay stationpro­duced kaya understand­able na hindi puwedeng banggitin ang pangalan ng aktor na bida rin sa Ang

Probinsyan­o dahil tatlong taon na silang pinadadapa ng serye sa ratings game.

Hindi nga ba at pang-16th show na ang Cain

at Abel na itinapat sa FPJ’s Ang Probinsyan­o? Ano nga pala ang resulta sa ratings game, hindi kasi

namin natatanong pa? Wait lang.

At since block timer ang Eat Bulaga ay tiyak na puwedeng banggitin ang pangalan ni Coco dahil co-prod nila ang APT Entertainm­ent na producer din ng noontime show ni Vic.

Anyway, hindi naman apektado ang kampo ni Coco sa hindi pagbanggit ng pangalan niya dahil base sa napagtanun­gan naming taga-Dos ay, “Dedma, care bears. Walang dating, walang value.”

Ang sinigurado sa amin ay puwedengi puwedeng banggitin ni Coco ang mga pangalan nina Vic at Maine kapag nagpo-promote ng Jack Em Popoy: The Puliscredi­bles sa mga programa ng

ABS-CBN. Hmm, magi-guest kaya sina Vic at Maine sa Gandang Gabi Vice? Gusto naming mapanood si Vice na ini-interview ang dalawa kasama si Coco.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines