Balita

Sindikato nalansag: Lider tepok, 6 naaresto

- Bella Gamotea

Pinaniniwa­laang nabuwag na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Makati City Police ang umano’y isang criminal group, makaraang masawi ang sinasabing lider nito, at dalawa pa at nasugatan sa engkuwentr­o, habang anim ang naaresto, sa Makati City, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ng NCRPO, nakilala ang napatay na si Rolando Abundo Jr., alyas “Bagyo”, ng P. Taylo St., Barangay Pio del Pilar, Makati.

Ginagamot naman sa Pasay City General Hospital sina Zea Xyrille Ramos at Susan Ramos, parehong nasa hustong gulang, dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Arestado naman ang iba pang miyembro ng grupo na sina Rixon Pantoja, Zyvastian Ramos, Danilo Dy, Roy Protacio, Leonell Lumberio, at Mark Greg L. Lajoy, pawang nasa hustong gulang.

Ayon sa NCRPO, nagsilbi ng search warrant ang mga tauhan ng Regional Drug Enforcemen­t Unit (RDEU) at ng Makati Police laban sa suspek na si Abundo sa kanyang bahay sa Bgy. Pio del Pilar, sa nasabing lungsod, dakong 8:30 ng gabi.

Bigla umanong bumunot ng baril at nagpaputok si Abundo dahilan ng pagganti ng putok ng mga pulis na ikinasawi nito at ikinasugat ng dalawa pa nitong kasamahan.

Nasamsam umano ng mga awtoridad sa loob ng bahay ni Abundo ang ilang pakete ng hinihinala­ng shabu na nasa 500 gramo at nagkakahal­aga ng P3,400,000, drug parapherna­lia, ilang high-powered firearms, at low-powered firearms, mga granada, at hindi nabanggit na cash na pinaniniwa­laang kita sa ilegal na droga.

Sa background check, sinasabing sangkot ang ang grupo ni Abundo sa drug traffickin­g at gun-forhire activities, na kumikilos sa katimugang Metro Manila at sa Cavite.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act (RA 9165), at illegal possession of firearms and ammunition­s ang mga naarestong suspek.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines