Balita

Balangiga Bells ihahatid ni Digong

- Ni BETH CAMIA May ulat ni Argyll Cyrus B. Geducos

Matapos ihayag nitong Huwebes ng umaga na hindi makadadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik sa Eastern Samar sa tatlong makasaysay­ang Balangiga Bells, nagbago ng isip ang Presidente at sinabing dadalo siya sa turnover ceremony sa lalawigan bukas, Disyembre 15.

Sinabi kahapon ni Presidenti­al Spokesman Atty. Salvador Panelo na nagbago ang isip ng Pangulo ilang oras makaraang ihayag na hindi ito dadalo sa nasabing seremonya, para mapagbigya­n ang hiling ng mga tagaEaster­n Samar na umaasang personal na ihahatid ng Presidente sa lalawigan ang tatlong kampana ng Balangiga Bells.

“Due to the persistent requests from the people of Eastern Samar who look forward to President Rodrigo Roa Duterte’s personally bringing the Balangiga bells to the town of Balangiga, the President has decided to attend the turnover ceremony of the Balangiga bells to the local officials on Saturday, December 15,” sabi ni Panelo.

“The President has made changes in his schedule of activities to join the Filipino community in welcoming the return of the bells,” dagdag ni Panelo.

Bukod dito, isinaalang-alang din ng Pangulo ang kahalagaha­n ng nasabing kampana, na sumisimbul­o sa katapangan at pagiging makabayan ng mga Plipino.

Matatandaa­ng una nang inihayag na dadalo si Duterte sa pagsalubon­g sa pagdating ng Balangiga Bells sa Villamor Airbase sa Pasay City nitong Martes, matapos ang 117 taong pananatili ng mga kampana sa Wyoming.

Gayunman, isang araw bago ang pagdating ng mga kampana ay sinabi ng Malacañang na hindi makakadalo si Duterte sa seremonya sa Villamor Airbase, at sinabing sasama na lang ang Presidente sa paghahatid sa mga ito sa Balangiga, Eastern Samar bukas.

Setyembre 28, 1901 nang tinambanga­n ng mga rebolusyon­aryong Pilipino ng Balangiga, Eastern Samar ang Company C ng 9th US Infantry Regiment habang nag-aalmusal ang mga ito at nasa 48 sundalong Amerikano ang napatay, habang 22 ang nasugatan.

Bilang ganti, sinalakay ng militar ng Amerika ang Balangiga, at matapos ang massacre ay tinangay mula sa sinunog nilang Simbahang Katoliko ang tatlong kampana bilang “war trophy”, at dinala sa Amerika.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines