Balita

Pag-inom ng ibang alak, gamot sa lambanog poisoning

-

INIHAYAG ni Health Secretary Francisco Duque III na ang pag-inom ng ibang alak ang antidote para sa pagkalason sa lambanog.

Sa isang television interview nitong Lunes ng gabi, ipinaliwan­ag ni Duque na hindi methanol sa lambanog ang nagiging sanhi ng pagkalason at pagkamatay ng mga uminom nito ngunit ang by-product nito na tinatawag na formic acid.

“Ang process of distillati­on sa paglikha ng alcohol, iyong unang patak na nalikha ay methanol, iyon ang dapat mong ihinihiwal­ay, itinatapon bago pa ito maging formic acid,” sabi niya.

Kapag nakakainom ang isang tao ng mataas na porsyento ng methanol, nagiging formaldehy­de ito hanggang sa maging formic acid at lason. Inaatake rin nito ang internal organs gaya ng bato, atay, utak at nervous system hanggang sa mamatay ang tao.

Binigyang-diin ni Duque na ang asukal ay hindi pa napatutuna­yang antidote sa ganitong uri ng pagkalason gaya ng sinasabi ng mga lambanog drinkers na nakaligtas sa pagkalason. “Painumin mo din ng alcohol iyong ethanol, iyong usual alcoholic beverage para maibsan ang conversion ng methanol into formic acid o pamumuo ng lason,” sabi niya.

Samantala, sinabi ni Food and Drug Administra­tion Field Operations Officer-in-Charge Emilio Polig Jr. na mayroong methanol, na mas maatas ang content kaysa acceptable 0.1 percent, ang lambanog na kumitil sa buhay ng siyam na drinker mula sa Antipolo, Bulacan at Laguna noong nakaraang linggo.

“Ang nasa Santa Rosa is 16 percent where as ang nasa Calamba may 6.5, 6.6 at 8.9 percent na methanol content na nakita,” sabi pa niya.

Nagawang hanapin ng FDA ang pinagkukun­an o source ng lambanog sa Laguna ngunit hindi naman matukoy kung sa iisang source nanggaling ang lahat ng ininom na lambanog ng siyam na namatay. Iniimbesti­gahan na ito ng mga awtoridad.

Binalaan ni Polig ang publiko laban sa peligrong dala ng flame test o paggamit ng lighter upang suriin ang methanol content sa lambanog.

“Hindi po iyon ang tama o scientific na pamamaraan, maaari pang ma-injure ang gagawa niyan kasi sasabog. Ang tamang paraan parin ay i-subject ito sa laboratory testing,” sabi ni Polig.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines