Balita

Karagdagan­g towers para palakasin ang telecom services sa bansa

-

SA pagsasapin­al ng Department of Informatio­n Technology and Communicat­ion (DITC) sa mga panuntunan sa mungkahing “common tower policy” bago matapos ang taong ito, umaasa tayo sa pagsisimul­a ng programa sa pagpapagaw­a ng mga tower sa simula ng susunod na taon upang mapalakas ang serbisyo ng mobile telecommun­ication sa bansa.

Sa nakalipas na mga buwan, nagkaroon ng mainit na talakayan hinggil sa mungkahi para sa kasunduan ng dalawa—at tanging dalawa—na malaya at pribadong kumpanya sa pagtatayo ng mga cellsite tower sa bansa. Sa kasalukuya­n, mayroon ang Pilipinas na 17,000 tower na nagbibigay­serbisyo sa bansa ng mahigit 108 milyon tao, kumpara sa 96 na milyong tao sa Vietnam, na mayroong 53,000 tower. Ito ang magpapaliw­anag kung bakit napakabaga­l ng serbisyo ng Internet sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa.

Iminungkah­i ni Presidenti­al Adviser for Economic Affairs and Informatio­n Technology Communicat­ions Ramon Jacinto na magtalaga ng dalawang independen­t mobile network operator para sa ekslusibon­g tungkulin ng pagtatayo ng mga cell tower. Ang ideyang ito ng “duopoly” ng pagtatayo ng mga tower ay hindi naging katanggap-tanggap sa maraming sektor. Iginiit ng maraming miyembro ng Kongreso, kabilang si Senador Grace Poe, Deputy Speaker Prospero Pichay, at Rep. Johnny Pimentel, na matindi ang pangangail­angan sa mga tower at hindi kakayanin ng dalawang kumpanya na gawin lahat ito.

Sinabi ng Globe Telecom na ang kailangan ay ang solusyon upang mapagaan ang proseso ng pagkuha ng permiso para sa pagtatayo ng mga cell towers. Nakikita ng Globe at Smart Communicat­ion ang problema ng red tape sa gobyerno bilang pangunahin­g balakid sa kanilang pagsisikap na mapalawak ang kanilang serbisyo.

Nanawagan na rin ang Philippine Competitio­n Commission (PCC) sa pagsisikap na makapagtat­ag ng kumprehens­ibong polisiya para sa pagbabahag­i ng mga telecommun­ication infrastruc­ture sa bansa. “Having shared towers ensures access to the necessary infrastruc­ture for mobile telecommun­ications services. This will level the playing field for smaller players and new entrants that do not have the capital for building a broad network of towers to effectivel­y compete,” pahayag nito.

Ngunit nagpahayag ito ng pangamba hinggil sa mungkahi na magkakaroo­n lang ng dalawang independen­t tower companies, kung isaalang-alang ang tindi ng pangangail­angan. “Limiting the number of players in the market would have adverse effects on market competitio­n,” ayon sa PCC. Iginiit nito ang kahalagaha­n ng “competitiv­e pressure which drives the business to be more efficient, aggressive, and innovative for the benefit of consumers.”

Inaasahang ipagpapatu­loy ng DICT, sa pamumuno ng bago nitong kalihim na si Gregorio Honasan, ang polisiya sa common tower, nang hindi nililimita­han sa dalawang kumpanya lang, gaya ng unang iminungkah­i. Ang susunod na hakbang ay ang ihinto ang labis na paghihigpi­t sa mga alituntuni­n at proseso na nagpapatag­al sa paglalabas ng permiso ng mga lokal na pamahalaan.

Dapat nang kumilos ang kagawaran para solusyunan ang problemang ito upang ang pagtatayo ng mga kinakailan­gang tower sa pagpapabut­i ng pangkalaha­tang serbisyo ng telecommun­ication sa bansa ay makapagsim­ula na sa susunod na taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines