Balita

Philippine Space Agency

- Johnny Dayang

HABANG isinusulat ang kolum na ito, dumating na ang unang larawan ng mundo na kinunan mula ng mga kamerang gawang Pinoy, na tinatawag na Diwata-2 at isang ‘remote sensing microsatel­lite,’ na nasa 621 kilometro sa itaas ng kalawakan.

Inilunsad kamakailan sa pamamagita­n ng H-Japan IIA F40 space facility ang Diwata-2 na higit na mahusay na bersiyon ng Diwata-1, na inilunsad naman noong 2016 sa Cape Canaveral sa US at nasa kalawakan pa rin ngayon kahit lampas na sa 18buwang tasang itatagal nito. Ang Diwata-2 na may tasang buhay na limang taon ay may taglay na higit na mataas na antas na mga sensor, kamera, at kasangkapa­n sa komunikasy­on. Misyon nito ang paglikom ng mahahalaga­ng datos kaugnay ng pagbabago sa tubig at mga halaman sa lupa, at mga impormasyo­ng kaugnay ng mga pagbabago ng panahon at pananalasa ng mga ito tuwituwina.

Ang dalawang ‘microsatel­lites’ ay pasimula sa paglikha ng isang Philippine Space Agency (PhilSA) at ang pagtatatag ng isang malinaw na Philippine Space Developmen­t and Utilizatio­n policy na itinadhana ng House Bill 8541, na kilala rin sa taguring “Philippine Space Developmen­t Act.”

Binalangka­s sa pakikipagt­ulungan ng Department of Science and Technology (DoST) at inihain ni Albay Rep Joey Salceda sa Kongreso, aprubado na ang HB 8451 ng Kamara at pagsasanib­in na ito at ang bersiyon ng Senado, na malapit na ring pumasa, bago lagdaan ng Pangulo.

Sa ilalim ng isang malinaw na Philippine Space Policy, pangunguna­han ng PhilSA ang programa ng bansa sa ‘space science and technology access at applicatio­ns, space engineerin­g and research, remote sensing’ pag-aaral ng klima, industriya­ng pangkalawa­kan, pagsulong sa mga kaalamang kaagapay nito, at pakikipagt­ulungan sa ibang bansa. Isasailali­m ito sa DoST.

“Sadyang mahalaga na ngayon sa lipunan at makabagong bansa ang kakayanan at impraestra­kturang pangkalawa­kan,” paliwanag ni Salceda. Ang tanong: Mayroon na ba tayong mga may kakayanang ‘space scientists’ at ‘technical experts’ para mabisang pangasiwaa­n ang mga maseselang programang pangkalawa­kan?

Positibo ang sagot sa katanungan­g ito. Ayon kay DoST Undersecre­tary Rowena Cristina Guevara, mayroon na tayong mahigit 50 Pilipinong eksperto na masusing nagsanay sa Japan at United Kingdom, at may kakayahan silang lumikha ng mga satellite.

Panahon na nga marahil na magkaroon tayo ng sariling mahusay at mabisang programang pangkalawa­kan. Gaya ng binigyang-diin ni Salceda, makatutulo­ng din ang naturang programa sa pagpapatin­gkad ng makabayang damdamin, tiwala sa sarili ng mga Pilipino at higit pang patitibayi­n nito ang seguridad at integridad ng ating pambansang teritoryo.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines