Balita

Sunshine at Angelika, sa ‘Pinas ang Christmas

- NI NORA V. CALDERON

MULING magsasama sa isang afternoon prime drama series ang kapwa mahuhusay na aktres na sina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz. Kung nasubaybay­an ninyo noon ang Ika-6 Na Utos, tiyak na itatanong ninyo kung may tarayan at pisikalan na namang magaganap kina Sunshine, na gumanap na Emma at asawa ni Rome (Gabby Concepcion), at ni Angelika as Georgia, na kapatid ni Ryza Cenon na umagaw kay Rome kay Emma.

Nagsimula nang mag-taping sina Sunshine at Angelika ng Inagaw Na Bituin, kung saan gaganap silang magkapatid, pero maraming twists na mangyayari sa story.

Gaganap namang mga anak nila ang mahuhusay ding young actresses na sina Therese Malvar at Kyline Alcantara. Kasama rin sa serye sina Marvin Agustin, Gabby Eigenmann, Jackielou Blanco, Angelou de Leon, Lynn Cruz, at marami pang iba. Sa direksyon ito ni Mark Reyes.

“Dito po ay pakakantah­in ako ni Direk Mark, at gusto niya ako talaga ang kakanta,” kuwento ni Sunshine nang bisitahin namin ang set nila.

“Kaya kailangan ko rin pong magrehears­e ng pagkanta. Marunong akong kumanta pero hindi naman ako madalas kumanta,” biro pa ni Sunshine.

“Sa simula ng story ay ako talaga ang singer,” kwento naman ni Angelika. “Pero magkakaroo­n nga po ng twist ang story, basta iyon po ang aabangan ng mga susubaybay sa amin. Sa January na po kami mapapanood.”

Hindi pa masabi nina Sunshine at Angelika kung may mga pisikalan pa ring magaganap sa kanila bilang magkapatid sa story.

Dahil may work, dito lang sa Metro Manila ise-celebrate ni Sunshine at ng kanyang pamilya ang Christmas. Pero after ng Gabi ng Parangal ng 44th Metro Manila Film Festival, na tampok siya sa isa sa entries na Rainbow’s Sunset, aalis siya sa December 29, kasama ang mga anak na sina Doreen at Anton, for Bali, Indonesia. Babalik din sila agad dahil may taping nga siya.

Si Angelika, dahil barangay chairperso­n sa Malabon City, dito lang din sila ng family niya. Hindi raw sila talaga umaalis kapag Christmas. Gusto niyang kasama rin ang mga kababayan niyang magdiwang ng Pasko.

Biro namin kay Angelika, may dagdag na sa family nila dahil boyfriend na ng sister niyang si Mika dela Cruz ang Kapamilya actor at kababata nitong si Nash Aguas.

 ??  ?? Angelika at Sunshine
Angelika at Sunshine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines