Balita

12 koponan sa BVR December Open

-

KABUUANG 12 koponan – babae at lalaki – ang sasabak sa huling hirat ng beach volleyball community sa pagpalo ng Beach Volleyball Republic On Tour December Open 2018: A Christmas Rally ngayon sa Sands SM By The Bay.

Ang tatlong araw na torneo ay magtatampo­k din sa Sandroots program, isang beach volleyball camp para sa kabataan.

Pakakaaban­gan din ang regalong ‘celebrity match’ na isang fund-raising event kung saan benepisary­o ang Mindanao State University College of Sports, Physical Education and Recreation Academy sa Marawi City.

Batay sa tournament format, hahatiin sa tigtatlong koponan sa isang grupo ang mga kalahok at ang mangunguna sa bawat grupo ay uusad sa knockout quarterfin­als.

Ang mananalo ay uusad sa semifinals at ang magwawagi ang siyang maghaharap sa Finals. Magsisimul­a ang aksiyon ganap na 8:00 ng umaga. Sa women’s side, ang Group A ay binubuo ng BanKoPerla­s 1, Air Force 1 at National University-Boysen, habang magkakasam­a ang University of Santo TomasMayni­lad 1, Creamline at Wild Card sa Group B.

Magkakasam­a naman sa Group C ang USTMaynila­d 2, Malaya-Far Eastern University at Air Force 2, habang magkakasam­a ang BanKo-Perlas 2, PetroGazz at Rizal Technologi­cal University sa Group D.

Samantala, liyamado ang Tiger Winx, kampeon sa Dumaguete leg, sa men’s division.

Sabak din ang Cignal, PLDT at Luna, Air Force, Fury-Ritemed, Malaya, NU-Boysen at dalawang Wild Card teams.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines