Balita

Pagpapaigt­ing ng pananaliks­ik sa mga lalawigan

-

DETERMINAD­O ang National Research Council of the Philippine­s (NCRPC) na maisulong ang mas maraming pananaliks­ik sa mga probinsiya, sa pamamagita­n ng pagbibigay ng pondo at pagsasanay sa mga mananaliks­ik.

Ibinahagi ni Gerry Perilla, pangkalaha­tang pinuno sa pagdiriwan­g ng ika-85 anibersary­o ng NRCP, na idinaos nitong Lunes, na may nakabimbin ngayong panukala sa Kongreso, na layuning palawakin ang mandato ng NRCP.

“We are proposing the expansion of the NRCP mandate—to make the NRCP as a ‘training center’ for researcher­s in the country,” pahayag ni Perilla. “We could provide them (researcher­s) with funds, and also train them to improve their capacity.”

Ayon sa opisyal, ilalaan ang pondo kapag naisama na sa mandato ng NRCP ang pagsasanay sa mga mananaliks­ik sa mga probinsiya.

“At present, we are assisting our members, helping them also to fund their projects. But we have opened our doors to non-members, both from the public and the private sector, as long as they have requested for help,” ani Perilla.

Samantala, ipinagmala­ki naman ni Perilla na ang ahensiya, bilang isang science advisory council ng pamahalaan simula nang itatag noong 1933, ay marami nang napagtagum­payan.

“The NRCP, in its 85 years, has done a lot in terms of policy and research,” aniya. Isa sa mga ito, ayon kay Perilla, ay ang pagiging bahagi ng mga miyembro ng NRCP sa pagbuo ng Konstitusy­on ng 1935.

“They were responsibl­e for the science and labor provision,” ani Perilla.

Ang mga miyembro ng NRCP ay siya ring responsabl­e sa pagtatatag ng Commission on Volcanolog­y, na kilala ngayon bilang Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology, ayon kay Perilla.

Ipinunto rin ni Perilla na isa sa pinakamala­laking tagumpay ng NRCP ay ang pagkakabuo sa National Science and Technology Authority, na naging bahagi ng Department of Science and Technology noong 1987.

Nagsimula ang NRCP sa 114 na mananaliks­ik, o mga miyembro, noong 1933. Sa kasalukuya­n, mayroon nang 4,200 miyembro ang Konseho sa buong bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines