Balita

Ika-119 na labas

- R.V. VILLANUEVA

BIGLA na lang, nakita ni Nena sa screen ang isang kuwarto. Sa simula, walang sino mang tao roon. Pero kilala ni Nena ang kuwarto. Kilalang-kilala. Iyon kasi mismo ang silid-tulugan nila ni Fermin.

Bigla na lang, mula saw ala, nasa kama na ang isang lalaki at isang babae. Nasa ilalim ng kumot ang dalawa. Kahit haindi pa nakikita ni Nena ang akto, natiyak niya, nagtatalik din o kundi man ay matinding nagroroman­sahan.

Hindi man nakikita ni Nena ang mukha ng dalawa, kilala niya ang mga ito. Sa loob niya: talagang taksil pala si Fermin. Taksil! Bagamat may bahagi pa rin sa kanyang utak na nagsasabin­g hindi totoo ang lahat ng iyon.

Dinig na dinig ni Nena ang parang pusang lampong na daing ng babae at ang parang kabayong halinghing ng lalaki!

Patuloy ang parang pelikulang palabas sa telebisyon.

Mayamaya, napatigil sa kanilang ginagawang kalaswaan sa kama ang dalawa. Pareho silang nabulabog. Kasi ginambala sila ng mga katok sa saradong pinto.

Reaksiyon sa mga katok, umalis ang lalaki sa ibabaw ng babae. Naiwang nakatiwang­wang ang babae.

Palakas ang mga katok. Palakas. Hanggang sa para nang gustong gibain ang pinto.

“Sino ‘yan?” Makapangya­rihan, walang takot ang boses ng babae.

Walang sagot. Sa halip, lalong lumakas ang mga kataok.

“Huwag mong wasakin ang pinto!”

“Kelangan sigurong umalis na ‘ko.” Bulong ng lalaking katalik ng babae. Malinaw na narinig iyon ni Nea. Malinaw na si Fermin iyon.

Tuluyan nang nasira ang kandado ng pinto. At iyon ay pasalyang nabuksan. Isang lalaking may hawak na mahaba, matulis, nanginghin­tab na patalim na parang krus ang nahantad.

Tinangkang sumigaw ni Nena pero walang nakawalang ni kapirasong boses sa kanyang bibig.

Ang sumunod na pangyayari ay gumimbal kay Nena. Gimbal na gimbal. Paanong hindi mahihindik si Nena? Ang lalaking bumungad sa pinto ay kilala niya. Iyon ay si Fermin din. Pero si Fermin din ang katabi ni Mia. Ang malaking pagkakaiba ng dalawang Fermin: Si Fermin sa may pinto ay isang sobrang tandang Fermin. Sa hitsura ng lalaki sa pinto, si Fermin ay tumanda marahil ng mahigit 20 o 30 taon.

Ang pinapanood ngayon ni Nena ay parang isang pelikulang ang bidang lalaki ay may dalawang mukha— isang matandang Fermin amt isang kabataang Fermin din.

“Papatayon ko kayo!” sigaw ng matandang Fermin.

Sukdulan na ang takot ni Nena. Para na siyang mawawalan ng ulirat. Kung sa kanyang sarili lang, gusto na talaga ni Nena na mawalan ng malay pero hiwagang hindi siya nawawalan ng malay.

Kasunod ng sigaw, mabilis ngang sumugod ang matandang Fermin sa nasa kamang batang Fermin at Mia. Inundayan ng saksak ng matandang Fermin ang batang Fermin.

Nakailag ang batang Fermin. At nagulat si Nena na ang kanina ay hubad na hubad na Fermin ngayon ay may damit na.

Isa pa uling saksak ang ibinigay ng Matanda na muling naiwasan ng bata. Sinabayan iyon ng lundag sa bintana ng batang Fermin.

Sumunod si Tanda pero nakalusot na sa grills si Bata.

Ang hinarap naman ngayon ni Tandang Fermin ay ang naiwang babae sa kama na walang iba kundi si Mia.

“Mahal kita, Nenamia,” sabi ng matandang lalaki. “Pero lagi mo akong pinagtatak­silan. Masakit man sa loob ko, kailangang patayin kita!”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines