Balita

Angelica Hale, nagtanghal sa ‘Little Big Shots’

-

NAGPAKITAN­G-GILAS kamakailan ang 11-anyos na half-Filipina singer, Angelica Hale, sa American variety television series na

Little Big Shots.

Isang clip ng kanyang performanc­e sa show ang ibinahagi sa official Facebook page ng palabas kung saan makikita si Angelica na umaawit ng

Santa Claus Is Coming to Town. Mahigit 500,000 na ang view ng clip isang araw matapos itong i-upload.

Sumikat ang half-Filipina singer matapos niyang makuha ang ikalawang puwesto sa 12th season ng America’s Got Talent nitong nakaraang taon, siya rin ang pinakabata­ng naging runnerup sa kasaysayan ng talent show. Isa sa mga pinakasumi­kat na performanc­e niya ay ang Judge Cuts round kung saan siya binigyan ng golden buzzer ni guest judge Chris Hardwick, matapos niyang awitin ang kanyang version ng Alicia

Keys’ Girl On Fire.

May caption ang video na: “Angelica Hale is here to capture your holiday heart. Sing it, girl!”

Hindi naman ito ang unang beses na may nagtanghal na Pilipino sa show. Noong 2017, naimbitaha­n din ang 14-anyos na singer nasi

Elha Nympha sa kiddie talent show, kung saan siya binigyan ng standing ovation sa pag-awit niya ng Chandelier.

Ipinamalas naman ng pitong anyos nasi

Miguel Secillano sa show ang kanyang math solving skills sa pagsagot sa mahihirap na math problems sa loob ng ilang segundo.

At kamakailan lamang, nagtanghal din ang TNT Boys na binubuo nina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, at Kiefer Sanchez, na bumirit ng Listen ni Beyonce.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines