Balita

1,000 pulis ipakakalat sa Simbang Gabi

- Nina MARTIN A. SADONGDONG at MARY ANN SANTIAGO

Nagpakalat na ng 1,000 pulis ang National Capital Regional Office (NCRPO) sa 300 na simbahan sa Metro Manila para sa pagsisimul­a ng Simbang Gabi ngayong Linggo.

Ang nasabing hakbangin ng pulisya ay bilang bahagi ng kanilang “Oplan Ligtas Paskuhan 2018,” ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar.

Aniya, inatasan na rin ni Eleazar ang lahat ng district director ng Manila Police District (MPD), Quezon City Police District (QCPD), Northern Police District (NPD), Eastern Police District (EPD), at Southern Police District (SPD) na higpitan ang kanilang pagbabanta­y sa kani-kanilang areas of responsibi­lity (AoR) para na rin sa seguridad ng mga nagsisimba.

“In line with the PNP [Philippine National Police]’s Ligtas Paskuhan 2018 program, the Team NCRPO celebrates this Christmas by intensifyi­ng police visibility to ensure there will be peace, order, safety and joy in our midst,” ani Eleazar.

Bukod sa 7,823 tauhan sa NCR, madadagdag­an din ito ng 7,955 pang pulis upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa Metro Manila.

Ipupuwesto, aniya, ang mga pulis sa matataong lugar, katulad ng public market, mall, simbahan, airport, LRT at MRT terminals, pier at transport terminal.

Tiniyak naman kahapon ni San Juan City Police chief, Senior Supt. Dendi Reyes na nagpapakal­at na sila ng mga tauhan sa mga simbahan sa kanilang nasasakupa­n.

Inalerto na rin niya ang kanyang mga pulis laban sa mga magnanakaw na maaaring bumiktima sa mga nagsisimba.

 ?? ALVIN KASIBAN ?? HANDA ANUMANG
ORAS Nasa 8,000 pulis ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office sa Metro Manila, upang tiyakin ang seguridad sa lungsod ngayong Pasko.
ALVIN KASIBAN HANDA ANUMANG ORAS Nasa 8,000 pulis ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office sa Metro Manila, upang tiyakin ang seguridad sa lungsod ngayong Pasko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines