Turismo sa E. Visayas, sisipa sa Balangiga Bells
Tiniyak kahapon ni Department of Tourism (DoT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na handang-handa na sila sa inaasahang pagdagsa ng mga turista na naismasilayanangtatlongmakasaysayang Balangiga Bells sa Eastern Samar.
Ang mga naturang kampana ay pormal nang naibalik kahapon sa lumang simbahan sa Balangiga kung saan ito orihinal na nakalagak, sa isang simpleng seremonya na pinangunahan ni Pangulong Duterte.
Siniguro naman ni Puyat na ang Balangiga Bells ay itinuturing ng DoT na historical treasure na dapat na pangalagaan para masilayan pa ng mga susunod na henerasyon.
“We, at DoT, are so happy for the people of Eastern Samar as the homecoming of Balangiga Church bells may yet turn not only Balangiga town but the whole of Eastern Visayas Region, into an emerging tourist destination. In time for the Christmas season, this is one of the best gifts the region could ask for,” ani Puyat.
Nakikini-kinita na umano ng kalihim na malaki ang maitutulong ng Balangiga Bells sa pagpapaunlad sa turismo sa naturang bayan.
“Eastern Visayas is really rich in history and among those historical places that can help in improving our tourism is the town of Balangiga which has figured prominently in both the Philippine and American history,” aniya pa.
Ang Balangiga ay bahagi ng Eastern Samar, na nabiyayaan ng mga atraksiyong ideyal para sa nature, marine sports, adventure, historical, heritage, cultural at religious tourism.
Sinabi naman ni DoT Region 8 Director Karina Rosa Tiopes na matagal nang tinutulungan ng DoT ang pamahalaang bayan ng Balangiga sa mga tourism development projects nito.