Balita

Pagkilala sa Davao City sa pagsusulon­g ng programang pangkalusu­gan

-

APAT na parangal ang iginawad ng Department of Health (DoH) sa City Health Office (CHO) ng Davao City para sa mga programa nito laban sa malnutriti­on at filariasis. Ayon kay Dra. Josephine Villafuert­e, CHO chief, ang Compendium at Pag-asa award ay iginawad sa local health office ng s’yudad para sa kanilang matagumpay na programa para sa nutrisyon at paglaban sa filariasis.

“This only means that we are successful with our programs and we made it sustainabl­e all throughout,” ani Villafuert­e.

Sa malnutrisy­on, sinabi niyang nagtatag ang s’yudad ng rehabilita­tion program para sa severe at acute malnutriti­on na kalimitang ipinatutup­ad sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad o mga naiipit sa mga kaguluhan.

Ibinahagi rin ni Villafuert­e na ang lungsod ang unang nagtatag ng prorama kahit pa walang kaguluhan o kalamidad na nararanasa­n sa lugar.

“There are a lot of malnourish­ed children identified in the city. We are implementi­ng “Operation Timbang” in the areas we have identified and give treatment to the children and check them on a weekly basis,” aniya.

Sinabi rin ni Villafuert­e na limang taon nang filaria-free ang buong lungsod dahil sa patuloy na pagpapatup­ad ng mga preventive measures ng lokal na pamahalaan.

“We do de-worming for five years in areas we identified just to make sure that there will be no more victims of filariasis,” aniya.

Dagdag pa ni Villafuert­e, ang mga sintomas ng filariasis ay kalimitang lumalabas sa walo hanggang sampung taon at dapat na ipatupad ang de-worming sa loob ng limang taon upang mapuksa ang mga pinangingi­tlugan ng mga lamok.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines