Balita

Doroy, kumikig sa 17th Asian Chess

-

NAKIHATI ng puntos si Woman FIDE Master Allaney Jia G. Doroy (elo 1972) kontra kay 18th seed Woman Internatio­nal Master Dewi Ardhiani Anastasia Citra (2215) ng Indonesia para makapasok sa Top 10 sa 17th Asian Continenta­l Chess Championsh­ips (2nd Manny Pacquiao Cup) Biyernes ng gabi sa Tiara Oriental Hotel sa Makati.

Tangan ni Doroy, isa sa top player ni National University (NU) Team Manager Samson Go, ay may naipong 3.0 puntos.

Habang isinusulat ito ay katapat ni Doroy si 16th seed WIM Tianlu Gu (2231) ng China sa sixth round sa torneong ito na suportado nina Sen. Manny Pacquiao, the Philippine Sports Commission at ng National Chess Federation of the Philippine­s sa magiting na pamumuno ni Deputy Speaker Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr.

Ito ang ika-4 na magandang nilalaro ni Doroy sapul niyang gibain si Olympiad veteran WIM Catherine Secopito (2145), at pakikipag draw kina WFM Li Yunshan (2196) ng China at second seed Internatio­nal Master Gulishkan Nakhbayeva (2371) ng Kazakhstan sa second, third at fourth rounds, ayon sa pagkakasun­od.

Natamo niya ang unang pagkatalo sa first round kontra kay WFM Turmunkh Munkhzul (2255) ng Mongolia.

Sa isang banda, nadapa naman si Internatio­nal Master Ricky de Guzman kontra kay Internatio­nal Master Nodirbek Yakubboev ng Uzbekistan para mahulog sa 17-player na magkakasal­o sa 25th place na may tig 2.5 points.

Sa challenger’s section, nagpatuloy ang pananalasa ni Vince Angelo Medina matapos ungusan si National Master Carlo Magno Rosaupan. Ito ang ika-6 na sunod na panalo ni Medina.

Namayagpag din sina New Zealand-based Jun Isaac at youngest Woman Fide Master Antonella Berthe Murillo Racasa matapos manaig sa kani-kanilang katunggali. Si Isaac na dating Manila Police Officer at isa sa oldest participan­ts sa edad na 75 ay patuloy naglalaro ng chess ay pinayuko si Deorico De Paz Jr. habang namayani naman si Racasa kontra kay Divine Grace Luna.

 ??  ?? DOROY: May tsansa.
DOROY: May tsansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines