Balita

Barbon at Eslapor, wagi sa BVR Tour

-

MATIKAS na nakihamok sina Babylove Barbon at Gen Eslapor ng University of Santo Tomas para makausad sa semifinals ng women’s division ng Beach Volleyball Republic On Tour December Open 2018: A Christmas Rallyniton­g Sabado sa Sands SM By The Bay.

Ginapi nina UAAP champion Barbon at Eslapor, pangatlo sa Dumaguete leg sa nakalipas na buwan, ang tambalan nina Derie Virtusio at MJ Ebro sa all-UST Maynilad quarterfin­als duel, 21-11, 21-13.

Nakopo rin ang 3-0 marka matapos ang dalawang araw na kompetisyo­n ang tambalan niina BanKo-Perlas 1's Dzi Gervacio at Bea Tan, nagwagi kontra BanKo-Perlas 2's Kathy Bersola at Antonette Landicho, 21-6, 21-12, at Creamline's Fille Cayetano at Kyla Atienza, nananaig sa FEU-Malaya's Sheila Vallota at Sheena Gallentes, 21-15, 21-4.

Hindi naman pinalad sina PetroGazz's Cienne Cruz at Jonah Sabete nang magapi sa laban.

Nanaig din sina NU-Boysen's Roma Doromal at Kly Orillaneda kontra

Cruz at Sabete, 21-15, 22-20. Sa women's semifinals ngayon ganap na 11 ng umaga, magtutuos sina Barbon at Eslapor kontra kina Doromal at Orillaneda, habang sina Gervacio at Tan kontra Cayetano at Atienza.

Tiyak naman na dudumugin ngayon ang ang celebrity match na tatampukan nina phenoms Alyssa Valdez at Kiefer Ravena, kontra beach volleyball poster girl Charo Soriano at fan favorite John Vic De Guzman.

Benepisyar­yo sa naturang programa na magsisimul­a ganap na 5:00 ng hapon ang Mindanao State University-Marawi's College of Sports, Physical Education and Recreation Academy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines