Balita

MUNTIK NA!

Warriors, bumuwelta sa 17-0 run para sa come-frombehind win kontra Kings

-

SACRAMENTO (AP) — Naisalpak ni Klay Thompson ang three-pointer may 38.5 segundo ang nalalabi, habang nagbuslo si Stephen Curry ng apat na free throw sa krusyal na sandali para sandigan ang Golden State Warriors sa 130-125 panalo kontra Sacramento Kings nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Tumapos si Curry na may 35 puntos, pitong rebounds at anim na assists, habang kumana si Thompson ng 27 puntos at siyam na rebounds at kumubra si Kevin Durant ng 33 puntos, walong rebounds at walong assists.

Naghabol ang Warriors sa second period bago nagpakawal­a ng 17-0 run sa huling 3:03 ng laro.

Nag-ambag si Draymond Green ng 14 rebounds at 10 assists para sa Warriors.

BLAZERS 128, RAPTORS 122

Sa Porland, nagtumpok si Damian Lillard ng 24 puntos para sandigan ang Trail Blazers sa panalo kontra sa NBA-leading Toronto Raptors.

Humugot si Zach Collins ng 16 puntos at tumipa si Seth Curry ng season-high 13, kabilang ang tatlong 3-pointers sa pagsisimul­a ng fourth quarter.

Nagbalik aksiyon ang nainjured na si Kawhi Leonard sa Raptors, ngunit hindi niya naisalba ang koponan (23-8), naglaro na wala si All-Star point guard Kyle Lowry. Kumikig si Danny Green ng 19 puntos at 11 rebounds.

Natuldukan ang six-game Portland losing streak sa Raptors.

NUGGETS 109, THUNDER 08

Sa Denver, nakalusot ang Nuggets, sa pangunguna ni Nikola Jokic na kumana ng 24 puntos, 15 rebouds at siyam na assists, laban sa Oklahoma Thunder.

Kumubra rin si Jamal Murray ng 19 puntos matapos makipagtal­o kay Russell Westbrook.

Nanguna si Paul George sa Thunder sa naiskor na 32 puntos, habang nagsalansa­n si Steven Adams ng 26 puntos at kumana ng tig 13 puntos sina Jerami Grant at Westbrook.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines