Ramirez sa POC: Ayusin n’yo ‘yan!
MATAPOS ang pakikipag-usap sa mga lider ng National Sports Association (NSA) higit yaong nababalutan ng kontrobersya, sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na idudulog niya ang isyu sa Philippine Olympic Committee (POC).
Tulad ng sinabi ni Ramirez, persola niyang isusumite kay POC president Ricky Vargas ang mga dokumento, kalakip ang mga hinaing ng mga lider sa mga NSA na dumaranasa sa problema sa liderato at recognition.
Pangunahing isyu na dinulog ng mga naung sports associations na nakipag dayalogo kay Ramirez noong nakaraang buwan ay ang isyu ng liderato at diskriminasyon sa loob ng asosasyon na ayon naman sa PSC chief ay pagagawan niya ng agarang solusyon sa POC.
Una nang hinarap ni Ramirez ang mga grupo ng swimming, table, tennis, dragon boat at taekwondo, ngunit pagsapit ng Pebrero ng darating na 2019, ay isang sports summit ang magaganap upang duon ay bigyan ng pagkakataon ang mga NSAs na iere ang kanilang mga hinaing sa kanilang mga lider at asosayon.
Kasunod ng nasabing dayalogo ay ang paalala ni Ramirez sa mga NSAs na kung hindi nila maayos ang gusot ng kanikanilang grupo ay hindi
sila mabibigyan ng suportang pinansyal, gayundin yaong may mga unliquidated cash advances sa PSC.
"I am seriuos when I said that No liquidation, No funding, if they resolve their issues, we will not also give fund to them, Dahil mayron na kaming mandate ng President about this," pahayag ni Ramirez.
"But then, matitiis mo ba ang mga atleta? Siyempre hindi namin matitiis ang mga atleta. We will not fund the NSAs, but we will fund the athletes," paliwanag ni Ramirez.