Balita

CJ Perez, kuyakoy na sa No. 1 pick

-

KUNG walang mangyayari­ng malaking pagbabago sa nauna ng pahayag at desisyon ng Columbian Dyip para sa plano nilang first overall pick sa idaraos na 2018 PBA Annual Rookie Draft pormalidad na lamang ang hinihintay ni CJ Perez para maging No.1 pick.

Mismong si Perez ay nagpahayag nang kahandaan sa kinakahara­p na malaking hamon at inaasahang matinding pressure sakaling maging no.1 overall pick sa gaganaping Draft sa Robinsons Place Manila sa Ermita ngayong hapon.

"Syempre mamo-motivate ka sa pressure na yun. Naglakas loob akong nag-apply sa draft so inihanda ko na rin ang sarili ko sa mga mangyayari," aniya.

Gayunman, walang anumang ipinangako ang dating Lyceum star para sa Dyip na alam naman ng lahat na napagiiwan­an ng iba pang PBA teams pagdating sa performanc­e.

"Basta gagawin ko ang lahat para mai-contribute yung effort at dedication sa laro para manalo. Kung sino man ang makakuha sa akin, yung winning attitude talaga yung dadalhin ko," ani Perez.

Bukod kay Perez, matunog na mga pangalan sa hanay ng kabuuang 47 mga draft hopefuls na posibleng makuha sa first round ay sina dating UAAP 2-time MVP at ABL back-to-back local MVP na si Bobby Ray Parks Jr. at Robert Bolick ng San Beda.

Nariyan din ang mga nagpakitan­g gilas sa nakaraang Draft Combine na sina JP Calvo, Michael Calisaan, Kris Porter at CJ Isit.

Kasunod ng Columbian Dyip, susunod na pipili ang Blackwater Elite at pangatlo ang Northport.

Pang-apat namang pipili ang Phoenix, ngunit nauna na nilang pinagpalit sa bisa ng trade ang kanilang first round rights sa NLEX na ibinigay sa Fuel Masters sa nasabing trade sina Alex Mallari at Dave Marcelo.

Narito ang kumpletong draft order sa first round: 1) Columbian Dyip, 2) Blackwater, 3) Northport, 4) Phoenix, 5) TNT, 6) Meralco, 7) NLEX, 8) Rain or Shine, 9) Alaska, 10) San Miguel, 11) Magnolia, 12) Ginebra.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines