Balita

Faeldon, Jr. negatibo sa drug test

- Nina MARTIN A. SADONGDONG at FER TABOY

Negatibo sa ilegal na droga ang anak ni Bureau of Correction­s (BuCor) chief Nicanor Faeldon na si Nicanor, Jr. matapos na isailalim sa pagsusuri ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagkakaare­sto nito at ng tatlong iba pa sa drug raid sa Naga City, Camarines Sur, kamakalawa ng umaga.

Sa paunang laboratory results ng Camarines Sur Provincial Office, sinabi ni forensic chemist, Senior Insp. Vina Zarina Zaldua-Cunom na negatibo sa methamphet­amine (shabu) at Tetrahydro­ccanabinol (cannabis) metabolite­s, na parehong ipinagbaba­wal na gamot, ang urine sample ni Faeldon.

Sa hiwalay na resulta ng pagsusuri, positibo naman sa methamphet­amine ang urine samples nina Russel Lanuzo, 47; Allan Valdez, 44; at Manuel Niebres, 39, ngunit negatibo sa Tetrahydro­cannabinol metabolite­s.

Paglilinaw ni Zaldua-Cunom, hindi na nila isasailali­m si Faeldon confirmato­ry test, maliban sa tatlo pang suspek.

Kinumpirma naman ni Naga City police commander, Senior Supt. Felix Servita, Jr. na lehitimo ang nasabing drug test at sinabing walang nag- impluwensi­ya sa resulta nito.

Gayunman, sinabi ni Servita na hindi pa rin lusot si Faeldon sa usapin dahil mahaharap pa rin ito sa kasong paglabag sa Section 7 (Visiting a drug den) ng Republic Act 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Nakapiit si Faeldon habang inaasikaso ang kaso laban sa kanya.

Sinabi pa ni Servita, mahaharap din ang tatlo pang suspek sa drug charges.

Kaugnay nito, nakiusap ang nasabing opisyal ng BuCor sa publiko na huwag agad husgahan ang kanyang anak.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines