Balita

Magsisimul­a ngayong araw ang tradisyon ng Pasko sa Simbang Gabi

-

KAKALEMBAN­G ang mga kampana ng Simbahan bago magbukang-liwayway ngayong araw upang anyayahan ang mga tao para sa simula ng siyam na misa ng Simbang Gabi, na magtatapos sa Christmas Eve mass sa Disyembre 24. Ito ang isa sa mga pinakamaga­ndang tradisyon na nagbubuklo­d sa sambayanan sa harap ng maraming pagsubok.

Lubos ang ating pagmamahal sa panahon ng Pasko na sa pagsisimul­a pa lamang ng buwan ng Setyembre, maririnig na natin ang mga pampaskong awitin sa radyo. At habang unti-unting sumasapit ang “ber” months, marami nang tahanan ang nagsisimul­ang magkabit ng pailaw at ang higit na tradisyuna­l na parol. Habang ang magarbong dekorasyon sa mga lansangan at plaza, mga pampubliko­ng gusali at mall ay nagsisimul­a makaraan ng Undas.

Kilala ang ilang mga bayan para sa kanilang mga Christmas festival, kabilang dito ang Giant Lantern Festival ng San Fernando, Pampanga, at ang Belenismo festival ng Tarlac, tampok ang interpreta­syon ng eksena ng Kapanganak­an. Mula sa Hilagang bahagi ng Luzon hanggang sa Zamboanga sa Mindanao, ang Christmas tree—kasama ng butuin at liwanag nito na kumakalat sa buong puno upang magbigay liwanag sa Sabsaban ng Bethlehem—ang isa sa karaniwang masusulyap­an sa mga pampubliko­ng plaza. Pinaiilawa­n naman ang mga lasangan ng mga butuin at iba pang simbolo ng espesyal na panahong ito. Habang may mga konsiyerto para sa Pasko ang mga paaralan at iba pang institusyo­n.

Ang lahat ng ito—ang mga ilaw at tugtugin—ang naglalaraw­an ng saya ng panahon, na kalugud-lugod sa mga taong nabubuhay sa maraming problema sa buong taon. Maraming lugar sa mundo ang patuloy na nagdurusa mula sa mga digmaan, kalamidad, at mga karahasan. Mayroon din tayong sariling dinaranas na mga ganitong problema sa ating bansa. At sa mga panahong ito lamang natin nalalasap ang ligaya na hatid ng Pasko.

Ngunit ang diwa ng Pasko ay mananatili­ng para kay Kristo at sa Kanyang pagdating sa mundo bilang Sanggol sa sabsaban. At ito ang kahulugan ng Simbang Gabi. Sa susunod na siyam na araw, maraming mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang dadalo sa Misa sa madaling araw, mga nakatayo sa paligid ng simbahan dahil puno ng mga tao ang loob ng simbahan.

Isa itong mahalagang tradisyon na ibinabahag­i ng maraming Pilipino at patuloy na isinasabuh­ay kahit pa sila ay nasa ibang mga bansa kung saan sila naniniraha­n at nagtatraba­ho. Sa Italya, magdaraos din ng Simbang Gabi ang mga komunidad ng Pilipino, sa sunud-sunod pagsisimba at pagtitipon sa siyam na simbahan sa Diyosesis ng Milan.

Ang novena ng madaling araw na Misa ay magtatapos sa hatinggabi ng Pasko, ang huling Misa sa pagtatapos ng Araw ng Pasko. Ang huling araw ng panahon ay sa Pista ng Tatlong Hari o Three Kings—sa unang Linggo makaraan ang Araw ng Bagong Taon. At muli natin ang aabangan ang susunod na panahon ng Pasko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines