Balita

Rule of law, para kanino?

- Fr. Anton Pascual

MGA Kapanalig, rule of law daw ang dapat manaig sa isang demokrasya­ng bansa tulad ng Pilipinas.

Iyan ang paalala ng tagapagsal­ita ni Pangulong Duterte na si Atty Salvador Panelo bilang reaksyon sa pag-aresto sa dating kinatawan ng Bayan Muna Party-list na si Satur Ocampo at 16 na iba pa. Hinuli kamakailan sina Ocampo at kanyang mga kasama sa Davao del Norte dahil sa umano’ykidnappin­g at human traffickin­g. Natuklasan sa checkpoint doon na kasama nila ang 14 na menor de edad mula sa Salugpunga­n School, isang paaralan para sa mga katutubo o indigenous peoples. Paliwanag ni Ocampo, tumugon lamang sila sa pakiusap ng mga guro roon na tulungan sila dahil inaatake ang kanilang paaralan ng Alamara paramilita­ry group, isang grupong binuo upang maging katuwang ng militar laban sa mga umano’y rebelde.

Ang pangulo naman ng Rappler, ang online news site na naglalabas ng mga balitang hindi nagugustuh­an ng administra­syong Duterte, ay kinasuhan naman ng Department of Justice (DoJ) ng patung-patong na kaso ng tax evasion. Giit ni Maria Ressa, walang basehan ang mga kasong ito at nakikita niya itong pahiwatig mula sa administra­syon na kailangang maging maingat ng Rappler. Sabi pa ng abogado ng Rappler, kitang-kita kung paano minadali ng DoJ ang pagsasampa ng kaso kahit hindi pa nila natatangga­p ang desisyon ng DoJ sa dininig nitong tax evasion case laban sa organisasy­on. Malinaw daw na salungat ito sa due process na karapatan ng sinumang sasampahan ng kaso.

Samantala, kinatigan ng Korte Suprema ang pagpapawal­ang-sala ng Court of Tax Appeals kay Juan Miguel “Mikey” Arroyo, anak ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, sa kasong tax evasion. Bigo raw ang Office of the Solicitor General o OSG na patunayang hindi nagbayad ng buwis na nagkakahal­aga ng 27 milyong piso ang nakababata­ng Arroyo. Dahil lamang sa depekto sa mga papeles na ipinasa ng OSG—o baka naman sa kawalan nito ng interes na talagang isulong ang kaso laban sa anak ng kaalyado ng Pangulo—hindi na natin mapapanago­t ang sinasabing lumusot sa batas para lamang makaiwas sa pagbabayad ng buwis.

At nito ngang Biyernes, acquitted sa kasong plunder ang dating senador at artistang si Bong Revilla, Jr. Ayon sa Sandiganba­yan, hindi raw napatunaya­ng tumanggap ang senador ng milyun-milyong kickback at komisyon mula sa kanyang Priority Assistance Developmen­t Fund o PDAF. Ngunit ang nakapagtat­aka, ipinasasau­li sa kanya ang bahagi ng mahigit 100 milyong pisong nakulimbat niya kasabwat ang kanyang aide at ng negosyante­ng si Janet Lim-Napoles na kapwa nasentensy­ahan ng habambuhay na pagkakakul­ong. Bakit siya magsasauli kung hindi naman siya guilty?

Hindi mahirap isiping sa mga nangyayari ngayon—kung saan malinaw na may ginigipit at may pinapabora­n—na tila ba nalulusaw na ang tunay na kahulugan ng “rule of law.”Sa Catholic social teaching na Centesimus Annus, sinabi ni San Juan Pablo II, ang prinsipyo ng rule of law ay mahalaga hindi lamang upang tiyaking walang sangay ng pamahalaan at mga lider natin ang umaabuso sa kanilang kapangyari­han, kundi upang pangalagaa­n ang kalayaan ng lahat, kahit pa ng mga pumupuna sa mga ginagawang mali ng mga nasa poder. Dagdag pa niya, ang rule of law ay hindi lamang batay sa kagustuhan ng iilang tao.

Ngunit ang malungkot na katotohana­n sa ating bayan sa kasalukuya­n, nagagamit ng mga ganid sa kapangyari­han at kayamanan ang ating mga batas upang makaiwas sila sa parusang magpapanag­ot sa kamalian nila. Nagagamit din ito ng mga nasa poder upang patahimiki­n ang mga hindi nila kakampi at nakakikita ng mali sa kanilang ginagawa.

Sa inyong palagay, mga Kapanalig, nananaig ba ang rule of law sa ating bayan? O kung nananaig man, patas ba itong nailalapat sa lahat?

Sumainyo ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines