Balita

Taga-Mindanao, pabor sa ML extension

- Bert de Guzman

NANINIWALA ako na overwhelmi­ng o buo ang pagkakaisa at pabor ang mga taga-Mindanao sa pagpapalaw­ig ng martial law sa kanilang mga lugar bunsod ng ginagawang karahasan, pagtambang, pagpatay at pagkidnap ng mga

terorista at pangingiki­l ng New People’s Army (NPA).

Bagamat may mga tagaMindan­ao na hindi kumporme sa utos at desisyon noon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bombahin ang buong Marawi City upang mapatay sina ASG leader Isnilon Hapilon at ang Maute brothers na kaanib ng ISIS, hindi naman daw makatwiran­g wasakin ang buong siyudad.

Sa ngayon, ang Marawi City ay katulad ng Hiroshima at Nagasaki sa Japan na binomba at pinulbos ng United States noong World War II. Maaaring magtagal ang rehabilist­asyon ng dati’y kaakit-akit at progresibo­ng lungsod na biglang nawasak bunsod ng walang puknat na pambobomba ng Philippine Air Force sa kasagsagan ng pakikidigm­a laban sa Maute Group, Abu Sayyaf

Group, Bangsamoro Islamic Liberation Freedom Fighters at iba pang masasamang elemento sa Mindanao.

Sinabi ni PRRD na may “continuing rebellion” sa Mindanao na kagagawan ng ASG at iba pang Islamic extremist groups samantalan­g patuloy sa pag-atake ang NPA laban sa mga sibilyan, kawal at pulis. Nagpadala ng mga liham si Mano Digong sa mga lider ng Senado at Kamara na humihiling ng ikatlong extension ng ML sa rehiyon.

Nakikiusap ang ating Pangulo kina Senate Pres. Vicente Sotto III at Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na pagbigyan ang kahilingan na mapalawig pa ang batas-militar sa Mindanao. Binanggit niya ang security gains na natamo ng Mindanao sapul noong Mayo 2017 nang mag-isyu siya ng Proclamati­on

216 na nagdedekla­ra ng martial law at suspension ng writ of habeas corpus.

Ipinaliwan­ag ni PDu30 kina Sotto at Arroyo na ang pagpapalaw­ig sa ML at suspensiyo­n ng writ of habeas corpus ay makatutulo­ng sa AFP at PNP na “tuldukan ang patuloy na rebelyon sa Mindanao” at mapigilan ang paglala ng situwasyon sa ibang bahagi ng bansa.

Ganito ang nilalaman ng mga liham ng Pangulo kina Sotto at Arroyo: “Public safety indubitabl­y requires such further extension in order to avoid the further loss of lives and physical harm, not only to our soldiers and the police, but also to our civilians.” Inaprubaha­n ng Kongreso ang ML extension ng panibagong isang taon.

Matindi naman ang pagtutol ng mga kritiko at kalaban sa pulitika ni

Pres. Rody sa pagkakaloo­b ng ML extension. Naniniwala sila na kahit wala ang batas-militar at writ habeas suspension, makakaya ng AFP at PNP ang pakikibaka sa terorismo ng ASG-Maute-ISIS group at karahasan ng NPA. oOo

Naibalik na sa Pilipinas ang Balangiga Bells na sinamsam at tinangay ng mga sundalong Kano noong 1901. Ang mga kampana ay sagisag ng katapangan at kabayaniha­n ng mga residente ng Balangiga, Eastern Samar laban sa mananakop na dayuhan na ang gamit ay mga itak laban sa malalakas na armas ng US troops. Sabi nga ng taumbayan: “Matatapang at handang mamatay ang mga Pilipino. Eh bakit takot ang mga lider ng bansa sa pananakop ng China sa West Philippine Sea?”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines