Balita

Alden, excited na sa well-deserved na bakasyon

- Nora V. Calderon

HANDA at excited na ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa grand Christmas vacation niya.

Sa mga interviews kay Alden, na tinatanong siya kung saan ang Christmas vacation niya with his family, lagi niyang sagot na aalis sila ng December 18 at babalik sila sa bansa ng December 28, dahil committed na siya sa yearly New Year’s Countdown ng GMA Network sa Mall of Asia sa December 31.

While on vacation, wala raw siyang gagawin kundi magpahinga, kumain, mamasyal at mag-bonding with his family.

Kaya naman bago umalis, araw-araw ang work ni Alden. Last Monday hindi siya nakasipot sa Eat Bulaga. May TVC shoot siya ng isa niyang endorsemen­t na umakyat pa siya ng bundok as the location. Hindi pa puwedeng sabihin kung anong product iyong iginawa niya ng TVC.

Tuesday, tinapos niya ang taping ng last episode ng “Nonoy, Ang Santang Pinoy” para sa 4-part Christmas presentati­on ng

Daig Kayo Ng Lola Ko, na mapapanood mamayang gabi, pagkatapos ng

Amazing Earth sa GMA 7. Mayroon pa siyang print shoot ng isa pa ring endorsemen­t.

Noong Friday, December 14, maaga siyang lumipad pa-Cebu para sa

Christmas party ng Casino Filipino sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City. Bumalik din siya early morning ng Saturday at dumiretso na siya sa Eat Bulaga. Ang nakakatawa may nag-post sa Instagram na paalis si Alden sa Cebu airport pabalik ng Manila, padating naman ang kalove team niyang si Maine Mendoza, kasama sina Bossing Vic Sotto at Coco Martin para sa promotion nila ng Jack Em Popoy: The Puliscredi­bles na entry sa 44th Metro Manila Film Festival.

May motorcade pala sila ng 10:30 AM bago ang mall show nila at 4:00PM. Tapos na rin ni Alden ang taping niya with other Kapuso stars sa Christmas Special ng GMA Network na ipalalabas ngayong gabi, Sunday, December 16.

Dahil may Christmas break din ang Eat Bulaga, nag-advance taping na sila ng ilang episodes ng longest-running noontime show. Tinapos din ni Alden ang taping ng segments niya ng “Sunday PinaSaya na wala siya. Pero ngayong Sunday, live pa siyang mag-aapir sa Sunday PinaSaya.

Makibalita na lang tayo kung saang bansa magbabakas­yon si Alden at family niya, through his Instagram at Instagram Story, na tiyak na ipo-post niya para sa mga fans.

 ??  ?? Alden
Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines