Balita

Miguel at Bianca, nominated sa Vietnam TV awards

- Ni NORA V. CALDERONan­g

TULUY-tuloy pa rin ang love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali kahit nali-link ang aktres sa isa pang Kapuso actor na si

Ruru Madrid.

May bagong teleseryen­g gagawin sa GMA 7 sina Bianca at Miguel pagkatapos ng huli nilang pagtatamba­l sa Kambal Karibal a few months ago. Regular pa rin silang napapanood sa Sunday

PinaSaya at wala namang ilangang nangyayari kahit pa may mga segments na magkakasam­a silang tatlo ni Ruru.

May ginagawa rin silang movie sa APT Entertainm­ent, Inc. at ayon sa President nitong si Rams David, may natitira pa silang two shooting days ng horror movie na may working title na Banal.

May maganda namang balita para sa mga fans nina Miguel at Bianca, dahil nominated sila bilang Favorite Foreign Actor of the Year at Favorite Foreign Actress of the Year respective­ly, sa Face of the Year Awards 2018 ng IMC Today TV.

Ipinalalab­as pala ngayon sa Vietnam

teleserye nina Miguel at Bianca na Once Upon A Kiss, na ginawa nila in 2015, at maganda ang response ng mga televiewer­s doon kaya sikat sila roon.

May online voting kaya puwedeng bumoto ang mga BiGuel fans dito para manalo ang kanilang mga idolo.

Nagbigay ang IMC Today TV ng links para makaboto: “Vote for Miguel as IMC’s Favorite Foreign Actor of the Year 2018 Awards” at “Vote for Bianca as IMC’S Favorite Foreign Actress of the Year 2018 Award.” Puwedeng bumoto hanggang December 31 at 3:30 PM (Manila time) sa online voting.

Kung matatandaa­n, taong 2014 nang unang nanalo bilang Favorite Foreign Actress ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa nasabing awarding ceremonies, at si Carla Abellana naman noong 2016.

Personal na dumalo sina Marian at Carla sa Vietnam para tanggapin ang kanilang award.

 ??  ?? Miguel at Bianca
Miguel at Bianca

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines