Balita

Shakira, kinasuhan ng tax evasion sa Spain

-

WALA pang isang taon makaraang maglabasan ang mga report ng umano’y imbestigas­yon hinggil sa kasong tax evasion ni Shakira, iniulat na opisyal nang kinasuhan ang songstress nitong Biyernes.

Ulat ng E! News, sinampahan ng mga Spanish prosecutor ang Colombian star ng tax evasion nitong Biyernes, ayon sa Associated

Press (via The Los Angeles Times). Sa report, inakusahan si Shakira ng hindi pagbabayad ng mahigit $16 million na tax mula noong 2012 hanggang 2014.

Ayon pa sa mga report, umikot ang kaso ni Shakira sa lugar na kanyang tinitirhan nang mga panahong iyon. Iniulat umano ni Shakira na ang Bahamas ang kanyang official residence, ngunit mas namamalagi umano ang star sa Spain kasama ang partner nitong si Gerard Piqué at kanilang pamilya. Ang panganay nilang anak, si Milan, ay isinilang sa Barcelona noong 2013. Nakasaad pa sa report na opisyal umanong lumipat si Shakira sa Barcelona noong 2015.

Sa Paradise Papers leak noong nakaraang taon, nakalista si Shakira bilang residente sa Bahamas, ayon sa The Guardian. Ayon sa pahayagan, sinabi ng kanyang abogado nang mga panahomg iyon na maraming lugar ang tinirhan ng artist “throughout her profession­al career and, in every case, has fully met the laws of all the jurisdicti­ons where she has resided.” Gayundin, isiniwalat ng source na “Shakira has already paid the monies that are allegedly deemed owed by the Tax Agency and, therefore, currently owes nothing to the Spanish state.”

Ito ang pinaniniwa­laan ng grupo ni Shakira, ayon sa insider, na ang “judicial proceeding has been initiated as a scare tactic to other taxpayers.”

Ayon sa Associated

Press (via The Washington Post), naglabas si Shakira ng sagot nitong Biyernes hinggil sa kaso, sa pamamagita­n ng kanyang mga kinatawan, at itinanggi niyang isa siyang legal resident sa Spain nang mga panahong iyon. Sinabi rin niyang ginagamit lamang siya ng mga awtoridad bilang “scapegoat” upang takutin ang iba pang taxpayers.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines