Balita

Do not bully anyone—Cardinal Tagle

- Ni Mary Ann Santiago

Hindi dapat gamitin ang kapangyari­han sa pambu-bully ng kapwa.

Ito ang naging mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle matapos niyang pangunahan ang misa sa unang araw ng Simbang Gabi kahapon, sa Manila Cathedral, sa Intramuros, Maynila.

Hindi naman nagbanggit ng pangalan ng sinumang lider ng bansa si Tagle, at sa halip ay ipinaalala sa mga mananampal­ataya ang payo ni San Pablo kung paano makakamit ang tunay na kaligayaha­n.

Iginiit ni Tagle na ang mga taong gumagamit ng kapangyari­han upang maliitin ang kanyang kapwa ay ang taong pinakatako­t at pinaka-insecure sa lahat.

“Do not bully anyone. Huwag mong gagamitin ang iyong kapangyari­han para mambastos. Huwag mong gagamitin ang iyong kapangyari­han para piitin, coerce ang iba,” bahagi ng homiliya ng cardinal.

“Panahon pa po ni Hesus itong binabasa ko, [pero] parang kasusulat lang kahapon. Pareho pa rin ang sekreto sa kaligayaha­n. Huwag kang mangmamali­it,” aniya pa.

“Hindi porke mayroon kang posisyon, ikaw ay may karapatan na para mangyurak sa kapwa. Sa katunayan, ang bully, ang gumagamit ng kapangyari­han para maliitin ang kapwa, iyan ang pinakatako­t at insecure na tao,” dugtong pa ni Tagle.

Hinikayat din ng Cardinal ang mga mamamayan na magbahagi sa kapwa ng kanilang biyayang nakamit at manatiling tapat upang maging tunay na maligaya sa Pasko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines