Balita

Unang Simbang Gabi, ‘generally peaceful’

- Fer Taboy at Mary Ann Santiago

Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na “generally peaceful” ang unang Simbang Gabi sa Metro Manila, na nagsimula kahapon ng madaling araw.

Ito ang naging assessment ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Guillermo Eleazar, sinabing batay sa ulat sa kanya ng limang police district, walang naitalang untoward incidents sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Personal na nag-ikot at nagsagawa ng inspeksiyo­n kahapon ng madaling araw si Eleazar sa iba’t ibang simbahan, kabilang ang Quiapo Church, Sta. Cruz Church, Binondo Church, at Manila Cathedral.

Tiniyak pa ni Eleazar na magpapatul­oy ang police visibility ng NCRPO hindi lang sa mga simbahan, kundi maging sa mga kalye upang matiyak na ligtas ang mga dadalo sa Simbang Gabi.

Nasa heightened alert status ngayon ang NCRPO, bilang bahagi ng Ligtas Paskuhan 2018 ng PNP.

Kaugnay nito, pinayuhan ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang publiko na mag-ingat ngayong Christmas season upang hindi mabiktima ng mga mandurukot at mga salisi, na karaniwan nang nagsasaman­tala sa mga ganitong panahon.

Ayon kay MPD Director Senior Supt. Vicente Danao, ang crimes against property ang madalas na maitala kapag ganitong malapit na ang Pasko.

Payo ni Danao, huwag makipagdea­l sa mga taong hindi personal na kakilala, partikular ang mga nag-aalok ng investment, na maaaring hindi totoo.

Iwasan din, aniya, ang pagsusuot ng mamahaling alahas, pagdadala ng mga mamahaling gadget, at pagbibitbi­t ng maraming pera kapag lalabas ng bahay, tulad kung dadalo sa Simbang Gabi.

“Be cautious of your personal belongings while in public places,” sabi pa ni Danao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines