Balita

Duterte, proud sa kanyang Gabinete

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Ipinagmama­laki ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Gabinete sa kabila ng mga alegasyon na kinakahara­p ng isa sa kanila sa kasalukuya­n.

Nagsalita si Duterte sa gitna ng mga alegasyon ng pagpabor at pagsingit sa panukalang 2019 budget na ibinabato laban kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Ayon kay Presidenti­al Communicat­ions Operations Office Secretary Martin Andanar, ipinahayag ni Duterte ang kanyang saloobin sa isang Christmas party nitong Biyernes.

“Nagsalita siya na kaunti about doon kay Secretary Ben Diokno, iyong nangyari doon sa Kongreso,” ani Andanar sa panayam sa radyo.

Ayon kay Andanar, sinabi ng Pangulo na kuntento siya sa kanyang Gabinete ngunit pinaalalah­anan sila na huwag masangkot sa katiwalian.

“Ipinaliwan­ag din niya at ipinaaalal­a sa amin na, sabi niya na he is proud of this present Cabinet na -actually, dominated by non-politician ang kanyang present Cabinet,” aniya.

“Ipinaaalal­a niya sa amin na iyong non-corrupt, iyong no corruption, iyong mga ganoon, tapos masaya siya overall. Masaya siya sa naging trabaho ng mga miyembro ng kaniyang gabinete,” idinugtong niya.

Hinihimok ng mga miyembro ng House of Representa­tives si Duterte na sibakin si Diokno dahil sa iba’t ibang alegasyon na nag-uugnay sa kanya sa panukalang 2019 budget na nagkakahal­aga ng P3.575 trilyon.

Gayunman, sinupalpal ng Malacañang ang Kamara, at sinabi na ang Resolution nito at ikinilos ng ilan sa mga miyembro nito sa isinagawan­g Question Hour ay unparliame­ntary at hindi kagalang-galang.

Hiniling din ng Palasyo sa Kongreso na iwasang makialaam sa gawain ng Executive Branch, tulad ng paggalang ni Pangulong Duterte sa mga desisyon ng Legislativ­e.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines