Balita

3 drug personalit­ies, kalaboso

- Minka Klaudia S. Tiangco

Arestado ang tatlo umanong drug personalit­ies sa magkahiwal­ay na buy-bust operations sa Valenzuela City, nitong Linggo ng madaling araw.

Kabilang sa mga inaresto sina Razel Dales Santos, 31; Benson Maguigad, 42, kapwa ng Teachers’ Village, Gen. T. De Leon, Valenzuela City; at Johnrie Lan Da, alyas Rosario, 26, ng Sta. Cruz, Maynila.

Si Santos ay nakatala bilang tulak ng ilegal na droga sa drug watchlist.

Unang nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) sa Lorex Street, Gen. T. De Leon, dakong 12:15 ng madaling araw.

Sa imbestigas­yon, inaresto sina Santos at Maguigad nang makabili ang isang poseurbuye­r ng hinihinala­ng shabu, na nagkakahal­aga ng P500, mula sa kanila.

Samantala, ang kanilang kasabwat na kinilalang si “Lupin,” residente sa lugar, ay nakatakas.

Nasamsam sa mga suspek ang apat na pakete ng hinihinala­ng shabu, P500 buy-bust money, P70 cash, at isang itim na pouch.

Sa ikalawang buy-bust ay isinagawa sa Tamaraw Hills Street, Marulas, dakong 1:30 ng madaling araw.

Sa ulat, binentahan ni Da ng hinihinala­ng shabu, na nagkakahal­aga ng P200, ang poseur-buyer bago siya arestuhin.

Nakuha sa suspek ang apat na pakete ng hinihinala­ng shabu, P200 marked money, at P200 cash.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Nagsasagaw­a ng follow up operation laban kay Lupin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines