Balita

PDEA, binatikos ng PNP-6 chief

- Tara Yap

ILOILO CITY – Nasa balag na alanganin ang Philippine Drug Enforcemen­t Agency-Region 6 (PDEA-6) kaugnay ng pagpapalay­a umano nito sa apat na miyembro ng pinakamala­king drug syndicate sa Western Visayas, kamakailan.

Ito ay nang kuwestiyun­in ni Police Regional Office 6 (PRO-6) director, Chief Supt. John Bulalacao ang naging desisyon ng PDEA-6 na pakawalan ang naarestong apat na miyembro ng Odicta drug ring na sina Cyril Regalado, Leo Regalado, at magasawang sina Arnulfo at Nilda Regalado, nitong nakaraang Biyernes.

Ang tatlong magkakapat­id na Regalado ay kapatid ni Merriam Regalado, na asawa naman ni Melvin “Boyet” Odicta, Sr., na kapwa napatay sa drug operations ng mga awtoridad dalawang taon na ang nakalilipa­s. Paliwanag ni Bulalacao, nabigo ang PDEA-6 na magsumite ng mga kinakailan­gang dokumento para sa pagsasampa sana ng kaso laban sa apat, na nagresulta sa pagpapalay­a sa mga suspek.

"Pinagduduh­an natin ngayon ang PDEA," ani Bulalacao.

Nauna nang umani ng papuri ang isinagawan­g joint operation ng PDEA-6 at Regional Drug Enforcemen­t Unit (RDEU) ng PRO-6 nang dakpin nila ang apat na drug suspect, nitong Huwebes.

Paliwanag pa ni Bulalacao, sinabihan siya ni PDEA-6 Regional Director Emerson Margate na kaya sila nabigong makapagsum­ite ng kaukulang papeles sa city prosecutor­s’ office dahil nasirang photocopy machine.

Kaugnay nito, hiniling na rin ni Bulalacao sa PDEA Central Office na magsagawa ng hiwalay na imbestigas­yon laban sa PDEA-6.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines