Balita

Pagkilala sa 20 agrarian coops ng Mimaropa

-

KINILALA ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang Agrarian Reform Beneficiar­ies Organizati­ons (ARBO) mula sa Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan) para sa kanilang katangi-tangi aksiyon ngayong taon.

Mula sa mahigit 176 ARBOs ng rehiyon, 20 ang kinilala bilang “best performing cooperativ­es” base sa paglaki, kita, pamamahala, at pagpapanat­ili sa idinaos na DAR regional summit sa Hotel H2O sa Maynila, mula Disyembre 10 hanggang 12.

Pinarangal­an din ng DAR ang sampung magsasaka ng National Certificat­ion II para sa Agroentrep­reneurship ng Technical Education Skills Developmen­t Authority (TESDA).

Sinabi ni Agrarian Reform Secretary John R. Castricion­es na ang pagkilala ay patunay na ang kanilang mga paghihirap at pagtulong sa ahensiya at sa mga katuwang nitong ahensiya upang matulungan­g mapataas ang kita ng mga magsasaka at maiangat ang kanilang pamumuhay.

“Ang DAR ay may mandato, hindi lang land for the landless farmers, kundi bigyan din ng suporta ang ating mga farmers. Kung walang suportang ibibigay sa ating mga ARBOs, hindi po uunlad at tataas ang pamumuhay ng ating mga agrarian reform beneficiar­ies,” ani Castricion­es.

Kabilang sa mga samahang pinarangal­an ang CK Plus Multi-Purpose Cooperativ­e, Mansalay Agricultur­e & Fisheries Developmen­t Cooperativ­e; Narra Irrigators and Advocates Multi-Purpose Cooperativ­e; San Miguel Farmers and Fishers MultiPurpo­se Cooperativ­e; Sta. Maria Agrarian Reform Community Cooperativ­e; Samahang Gumagawa Tungong Tagumpay Multi-Purpose Cooperativ­e; Lourdes Multi-Purpose Cooperativ­e; Elvita Farmers Multi-Purpose Cooperativ­e,; Tanikala ng Pagkakaisa MultiPurpo­se Cooperativ­e; at Mindoro Progressiv­e Multi-Purpose Cooperativ­e.

Pinarangal­an din ang Bagtingon Upland Farmers Associatio­n of Land Occupants; Calma Socio Economic Multi-Purpose Cooperativ­e; Agra Progreso Multi-Purpose Cooperativ­e; Gloria Site; Tagumpay ng Curanta Free Farmers Cooperativ­e; Samahan ng mga Manggagawa sa Balatasan; Samahan ng Magpapatub­ig ng Mansalay, Inc.; Samahan ng Nagkakaisa­ng Kababaihan ng Matulatula; Malalong Multi-Purpose Cooperativ­e; at ang Magdiwang Agrarian Reform Community.

Binubuo ang Mimaropa ng mga probinsiya ng Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines