Balita

May executive pork din sa budget

- Ric Valmonte

“KARAPATAN ng mga mambabatas ang magsingit sa budget, pero hindi ko alam kung ang kanilang mga isinisingi­t ay pork barrel, “sabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno. Nawika niya ito dahil sa reklamo ng mga senador na may mga isiningit sa budget ang mga kongresist­a na kailangan nilang siyasatin. Nakasasaga­bal para sa kanila ang mga ito sa pag-apruba ng budget sa kakulangan na ng panahon.

Nauna nang inihayag ni Sen. Ping Lacson na sa panukalang budget ng 2019 na nagkakahal­aga ng 3.8 bilyong piso, 2.4 bilyong pisong halaga ng mga proyekto ay inilaan sa distrito ni Speaker Gloria-Macapagal Arroyo, samantalan­g 1.9 bilyong piso sa distrito ni Majority Floor Leader Rolando Andaya. Pero, ayon kay Andaya, hindi iyong distrito ni Arroyo o ng sinumang kanyang kaalyado ang napaglaana­n ng pinakamala­ki sa budget kundi iyong kay dating Speaker Pantaleon Alvarez. Sa liham ni Andaya kay Pangulong Duterte, sinabi niya na limang bilyong piso ang inilaan sa mga proyekto ni Alvarez sa kanyang distrito sa Davao del Norte. Kaya, aniya, ang kanyang distrito ang may pinakamala­king natanggap na infrastruc­ture allotment. Si dating Davao City Rep. Karlo Nograles, na pamangkin ng Pangulo na ngayon ay kanyang Cabinet secretary, ay may apat na bilyong piso, samantalan­g si dating Majority Floor Leader Rudy Farinas, Ilocos Norte Rep, ay 3.5 bilyong piso.

Tatlong araw makaraang sabihin ng Malacañang sa liderato ng Kamara na ipaliwanag ang mga bilyong pisong pork barrel realignmen­t sa budget, nag-privilege speech si Andaya. “Ayon sa imbestigas­yon ng Committee on House Rules hinggil sa epekto ng cash-based budgeting, nadiskubre ang large-scale scam. May mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Duterte ang makikinaba­ng sa constructi­on company na nakakupot ng 30 infrastruc­ture projects na nagkakahal­aga ng bilyun-bilyong piso,” pagbubulga­r ni Andaya. Ang tinutukoy ni Andaya ay ang CT Leoncio Constructi­on and Trading na pag-aari ni Consolacio­n Tubuhan Leoncio na nakabase sa Bulacan.

Ani Andaya, halos lahat ng P75 bilyong “executive pork insertion” ay nai-biding na, ang 30 infrastruc­ture projects ay naibigay sa CT Constructi­on and Trading bago pa man maaprubaha­n ng Kongreso ang budget. Kaya ang mga proyektong ito ay sa iba’t ibang lugar tulad ng Metro Manila at iba pang probinsya, kahit ang CT Trading ay nakabase lang sa Bulacan, at ito ay dahil daw sa koneksiyon nito sa mga miyembro ng Gabinete. Ang pagsingit sa budget ng bilyun-bilyong piso na hindi nagastos ng administra­syong Duterte ay ginawa umano ni Budget Secretary Diokno.

Kung karapatan ng mga mambabatas ang magsingit ng karagdagan­g alokasyon sa budget tulad ng tinuran ni Diokno, wala naman siyang karapatang gawin ito. Matinding problema ang kinakahara­p ng sambayanan.

Sa nangyayari ngayon, sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na ilegal at unconstitu­tional ang pork barrel, may mga paraan pa rin hindi lang ang mga mambabatas kundi ang Department of Budget na maikutan ito sa pamamagita­n ng paglalagay ng singit sa budget. Inakusahan ni Rep. Andaya si Budget Secretary Diokno na nagsingit ng “executive pork”. Ang malaking bahagi nito ay inilaan sa Sorsogon kung saan may mga kamag-anak siyang kumakandid­ato para sa darating na eleksyon. Hindi raw ito alam ng Pangulo, pero ayon sa kanyang Spokespers­on na si Salvador Panelo, may tiwala pa rin ang Pangulo kay Diokno. Ganoon din ang mga senador dahil ipinagtang­gol nila ang kalihim. Ang basa ko rito, nilalapita­n din ng mga ito si Diokno kapag may kailangan at naniniwala silang sumunod lang si Diokno sa utos na magsingit siya ng executive pork sa budget.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines