Balita

Kiko inamin na si Devon: She’s mine

- Ni NORA V. CALDERON

NANG makausap namin si Devon Seron sa taping ng afternoon prime drama series nilang Asawa Ko Karibal Ko, hirap na hirap siyang umamin na may relasyon na sila ni Kiko Estrada.

Though hindi naman lihim sa Instagram account ni Kiko ang mga posts niya ng pictures nilang dalawa, na minsan may caption pa na “aking sinta”.

Laging paiwas ang sagot ni Devon: “Siya ang tanungin n’yo dahil siya ang lalaki.”

Kaya nang minsang makausap si Kiko, habang kasama si Devon, sa isang party kung saan magka-holding hands pa silang dumating, hindi na tumangging sumagot ang aktor.

“She’s very pretty, and of course I respect her so much,” sagot ni Kiko sa tanong kung sila na nga ni Devon.

“Yes, I don’t hide it naman. At gusto ko na ring malaman ng lahat kung anuman ang itinatago namin.”

Hindi lang malinaw kung sa huling pelikulang pinagtamba­lan nila, ang Walwal,

na-develop ang dalawa, o sa una nilang pagsasama sa Puwera Usog.

Masaya ba sila ni Devon?

“Yes, siya iyong mabait sa buhay ko ngayon. She’s the light in the darkness. And of course, she’s mine. That’s it,” pag-confirm pa ni Kiko sa relasyon nila ni Devon.

Wala na ngang nagawa si Devon kundi ngumiti na lang matapos na i-confirm ni Kiko ng kanilang relasyon. Although inamin ng dalaga na nagulat at pinagpawis­an siya.

Pero huwag naman sanang magkaprobl­ema ang dalawa. Balita kasing umalis na si Kiko sa GMA Network, at bumalik na siya sa ABS-CBN. Ibig sabihin iniwan na ni Kiko si Devon, na isa nang Kapuso?

“Hindi po naman ibig sabihin na dahil magkaiba kami ng network, hindi na kami magkakasam­a at magba-bonding,” sagot ni Devon. “Next year po may gagawin kaming movie sa Regal Films, kaya magkakasam­a rin kami.”

Sinabi rin ng dalawa na magse-celebrate sila ng Christmas kasama ang kani-kanilang pamilya. Pero sa New Year’s Eve, gusto ni Kiko na sila ni Devon ang magkasama, at gusto raw nilang salubungin ang 2019 sa beach.

Sa Asawa Ko, Karibal Ko, na napapanood sa GMA from Mondays to Saturdays after Eat Bulaga, gumaganap si Devon bilang loving sister ni Rachel, played by Kris Bernal.

 ??  ?? Kiko at Devon
Kiko at Devon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines