Balita

MPBL: Davao-Cocolife Tigers, humahataw

-

RATSADA muli ang Davao-Cocolife Tigers at ang pinakahuli­ng biktima ay ang punong-abalang Bacoor Striker,69-50, kamakailan sa eliminatio­n round ng Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup sa Strike Gym sa Bacoor City, Cavite.

Nanatiling matikas mula simula hanggang sa final buzzer ang PBA veteran na si Mark Yee sa pagtala nito ng double-double performanc­e – 17 puntos at 1 rebounds -- upang akayin ang Tigers sa ika-14 na panalo sa 17 laro.

Kumamada rin sa koponan mula Mindanao ni Claudine Bautista ng Davao Occidental LGU na suportado nina Cocolife president Elmo Nobleza,FVP Joseph Ronquillo at Rowena Asnan,ang balik-aksiyon na si Bonbon Custodio galing sa back injury,Bily Robles na nakarekobe­r sa tendonitis at bench players upang mahila ang winning streak ng Tigers sa 12 at manatiling nasa ituktok ng liderato sa South division ng ligang inorganisa ni Sen.Manny Pacquiao.

Sinikap ng Strikers na sina Chad Alonzo,Gab Banal at Randy Acidre na nais magpasikla­b sa nagbabalik-tahanan na si Senator Bong Revilla na personal na sinaksihan ang Bacoor team upang makahabol sa ikatlong yugto subalit walang epekto sa bangis ng depensa ng Cocolife.

“Defense is the key,” sambit ni Davao Cocolife team manager Ray Alao.

Pinuri naman ni Tigers coach Don Dulay ang steady stance ng kanyang starters at ang pagdeliver ng quallity minutes ng kanyang homegrown at bench players tungo sa pagposte ng pinakamaha­bang 12 game winning streak sa liga

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines