Balita

Aljon, pinipigila­ng ma-fall kay Karina

- Ador V. Saluta

NAGING panauhin ni Boy Abunda sa Tonight With

Boy Abunda kamakailan ang Pinoy Big Brother Otso teen evictee Aljon Mendoza. Todo-pasasalama­t ang teen housemate sa mga sumusuport­a sa closeness nila ng kapwa housemate na si Karina Bautista.

“Gusto ko pong magpasalam­at sa kanila dahil nakikita po nila ‘yung pagiging close po namin ni Karina. ‘Yung pagiging matatag ng friendship po naming,” sabi ni Aljon.

May mensahe din si Aljon sa mga tumututol sa malapit na pagkakaibi­gan nila.

“Kami po ni Karina sobrang kumportabl­e po talaga kami sa isa’t isa. Minsan po sa sobrang close po namin sa isa’t isa, natutukso din po kami ng ibang housemates. Kaya hindi maiwasan ‘yung kiligin po.” Dagdag pa niya, walang dapat ipag-alala ang mga tumututol sa friendship nila ni Karina.

“May limits naman po kasi, alam namin kung hanggang saan lang ‘yung pagiging sweet namin sa isa’t isa.”

Paglilinaw ni Aljon, “best friends” lang sila ni Karina. Sinabi pa niya na minsan ay 20 percent lang ang pagtingin niya kay Karina at 80 percent ang friendship.

“Mas nangingiba­baw po ‘yung pagkakaibi­gan po naming dalawa and mas tini-treasure ko po ‘yun.”

May kinalaman din daw ito sa pagkakaroo­n ng boyfriend ni Karina.

“Pinipigil ko din po ‘yung sarili ko na ‘wag na pong dumagdag ‘yung 20%. Manatili na lang po dun.” May mensahe din si Aljon sa boyfriend ni Karina. “Sana naintindih­an mo at ‘wag kang magalit kay Karina, kasi close lang talaga kaming dalawa. Minsan nagkakaroo­n ng kilig sa akin, parang natural lang naman ‘yun kasi mag-best friends kami. Close talaga kami and hindi naman namin maiiwasan ‘yun, kasi kami-kami lang din naman ‘yung nagkikita sa bahay.

“Wala kang dapat ipag-alala kasi wala naman akong balak na sirain kayo ni Karina,” bahagi pa ng message ni Aljon sa boyfriend ni Karina.

Sa kabila nito, prangkang umamin si Aljon na kung walang boyfriend si Karina ay liligawan niya ito. Nauna nang inamin ng isa pang teen evictee, si Art

Guma, na nahulog din ang loob niya kay Karina.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines