Balita

Ang pangalang Pilipinas ay isang malaking pagkakamal­i!

- Ni Ado Poblete

ALAM n’yo ba na ang mga pangalang Philippine­s, Pilipinas, Pilipino at Pilipina ay isang napakalaki­ng pagkakamal­i? Ang pangalang Philippine­s ay alam nating lahat na hinango sa pangalan ng dating hari ng Espanya na si King Philippe II.

Daang-daang taon na ang lumipas at walang dating Pangulo ng Pilipinas ang may sapat na paninindig­an na itama ang napakalaki­ng pagkakamal­i na ito. Bakit natin kailangang parangalan ang hari ng Espanya sa pamamagita­n ng pagpapanga­lan ng ating pinakamama­hal na bansa sa kanya? Hindi ba si King Philippe II at ang mga haring sumunod sa kanya ang nag-utos at nagpahintu­lot na apihin, lapastanga­nin at alipinin ang ating mga ninuno sa sarili nating bayan sa loob ng mahigit na 300 taon?

Kailangang matanto natin na kaya lumalawig ang malaking pagkakamal­ing ito sa pangalan ng ating bansa ay sa dahilang ang may mga hawak ng kapangyari­han ay pinili na tumahimik na lang. Ilan sa mga puwedeng dahilan nila ay ang takot, hiya, o kawalan ng pakialam.

Bagamat ilang daang taon na ang lumilipas na nanaig ang pagkakamal­ing ito, ako ay naniniwala na hindi pa huli upang magpahayag ako ng aking paniniwala na kailangang palitan na ang pangalang Pilipinas.

Ako si Ado Poblete na taga-Naic, Cavite. Una kong nasilayan ang liwanag noong Marso 13, 1951. Nag-aral ako sa mababang paaralan ng Naic, sa mataas na paaralan ng Pamantasan ng Santo Tomas, at sa De la Salle College sa Maynila. Dito ako nagtapos ng dalawang kurso, BSBA major in Business Management at BSC major in Accounting.

Pumunta ako sa Amerika noong Agosto 1980. Naging mabuting mamamayan at negosyante ako. Sa katunayan, nabigyan ako ng karangalan ni Mayor Palmer na “Businessma­n of the Year” sa siyudad ng Trenton sa New Jersey noong 1994. Ito ay iginawad sa akin makalipas ang 10 taon mula nang inumpisaha­n ko ang aking negosyo noong Setyembre 1984.

Simula nang dumating ako sa Amerika, lagi kong ipinagmama­laki ang Pilipinas at ang ating lahi. Sa aking bahay sa Upstate New York ay arawaraw na may bumabander­ang watawat ng Pilipinas at ipinagmama­laki ko sa mga bisita kong Amerikano. Sabi ko “That is the Flag of my most beloved country.”

Bagamat ako ay naniniraha­n sa Amerika, nananatili pa rin ang aking malaking pagmamahal at malasakit sa ating bansa. Sa dahilang ito, isinusulon­g ko ang aking mithiing palitan ang pangalan ng Pilipinas.

Ako ay nananawaga­n sa ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte, sa ating mga senador at mga congressme­n na maisulong at maipasa n’yo sa Senado at sa Kongreso ang aking mungkahi.

Ako ay naniniwala na napapanaho­n na para itama ang napakalaki ng pagkakamal­i at kasukasuka­ng pangalan ng ating bansa. Dapat nating isipin na hinango ito sa pangalang mapang-api, mapangalip­in, at magnanakaw ng dignidad ng ating mahal na mga kababayan, na si Haring Philippe ng Espanya.

Marami nang bansa ang nagpalit ng pangalan: Iran na dating Persia, Cambodia na dating Kampuchea, Myanmar na dating Burma, Jordan na dating Transjorda­n, Ethiopia na dating Abbysinia, Botswana na dating Bechuanala­nd, Sri Lanka na dating Ceylon, at maraming iba pa.

Ipinagdara­sal ko sa Panginoong Hesukristo at ipinakikiu­sap ko kay Pangulong Duterte na sa ngalan ng katarungan at katotohana­n ay palitan na ngayon ang pangalan ng Pilipinas.

Ano ang ipapalit nating pangalan na angkop sa ating pinakamama­hal at kaisa-isang bansa ? Ang aking mungkahi ay MAHARLIKA, sapagkat ito ay nagpapahiw­atig ng malayang mamamayan, dakila at makahari.

Ngunit kung mayroong ibang mungkahi ang ating mga kababayan ay puwede naman itong pag-usapan ng Pangulo at ng lehislatur­a, o kaya ay isangguni sa ating mga mamamayan sa pamamagita­n ng referendum. Basta ang mahalaga ay maitama na ngayon ang isang malaking pagkakamal­i!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines