Balita

Pagbati kay Catriona, bumuhos

- Nina NIÑO N. LUCES, ROY C. MABASA, at VANNE ELLAINE P. TERRAZOLA

Napuno ng hiyawan at palakpakan ang mga opisina, paaralan, kabahayan at maging sa mga bangketa, nang ihayag bilang bagong Miss Universe 2018 ang pambato ng bansa na si Catriona Gray, sa grand coronation night ng patimpalak sa Bangkok, Thailand, na napanood nang live kahapon ng umaga.

Umulan ng mga pagbati sa social media para sa bagong Miss Universe mula sa mga sikat na personalid­ad, pulitiko, at ang mga Pilipino na nagbigay ng todong suporta sa buong paglalakba­y ng pambato ng bansa sa kumpetisyo­n.

Ipinangana­k sa Queensland sa kanyang Australyan­ong ama na si Ian Gray at Pinay na inang si Normita Ragas Magnayon na tubong Oas, Albay, pinahanga ni Catriona Elisa Magnayon Gray ang kanyang mga Alabayano na tumutok sa live broadcast ng Miss Universe kahapon.

Sa bayan ng Oas, nag-organisa ang lokal na pamahalaan ng public viewing sa isang covered court bilang suporta sa kanilang kababayan.

“Naglagay kami ng malaking screen para sa libreng panood ng Miss Universe. Noong ina-announce na ‘yung top 10, biglang dumami ‘yung tao at nung inanounce na ‘yung Miss Universe, ay si Catriona nga, nagsigawan at nagtatalon ‘yung mga tao. Pati ako, napasigaw at napatalon,” pagbabahag­i ni Mayor Domingo Escoto, Jr.

Dagdag pa niya, nagpaplano na ang pamahalaan­g bayan ng homecoming para sa bagong Miss Universe.

Inilarawan naman ni Albay 2nd District Congressma­n Joey Salceda si Gray bilang isang “truly an Albayana” at “most prepared candidate ever.”

Samantala, agad ding nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa pagwawagi ni Gray.

“Ms. Gray truly made the entire Philippine­s proud when she sashayed on the global stage and showcased the genuine qualities defining a Filipina beauty: confidence, grace, intelligen­ce and strength in the face of tough challenges. In her success, Miss Philippine­s has shown to the world that women in our country have the ability to turn dreams into reality through passion, diligence, determinat­ion and hard work,” pahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo.

“Catriona’s crowning glory is placing the Philippine­s in the world map again for its beauty and elegance that matches the world-renowned attraction of the many scenic and mesmerizin­g islands in our country,” aniya.

Nagbigay din ng kanya-kanyang pagbati at papuri ang mga senador ng bansa sa pag-uwi ni Gray ng ikaapat na korona.

Pinuri ni Senate President Vicente Sotto ang performanc­e ni Gray sa kumpetisyo­n.

“Congratula­tions of course. Her answer was superb. I think that, and the outstandin­g way she carried her gown was the final win. Her personalit­y was there all along,” komento ni Sotto.

“We are all proud of Catriona being crowned miss universe. She is both bright and beautiful. She represents our collective values and aspiration­s as a people. I wish her all the best. Mabuhay ang kagandahan at talino ng Pilipina,” pahayag ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto

Pinuri naman nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Sen. Francis Pangilinan ang naging sagot ni Gray sa final question and answer portion ng patimpalak.

“You made our country so proud of you and your answer in the final Q and A shows that not only do you have beauty but lots of Heart as well in caring for our under privileged children in the informal settlement­s in our country,” pahayag ni Zubiri.

“Congrats to our new Ms Universe! Wonderful answer on doing all we do for our children!” pagbabahag­i ni Pangilinan sa Twitter.

Pasasalama­t naman ang ipinaabot nina Sen. Grace Poe at Sen. Joel Villanueva para sa pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas.

“A woman of style, substance and brave heart deserves the crown. Thank you for flying the Philippine flag high,” saad ni Poe.

“We extend our heartfelt congratula­tions and gratitude to Catriona Gray not only for bringing home the Miss Universe crown but also for giving our country so much pride and recognitio­n,” ani Villanueva.

Habang nagpaabot din ng pagbati sina Sen. Risa Hontiveros at Sen. Cynthia Villar.

Hindi naman nagpahuli ang mga babaeng mambabatas na ipinagdiwa­ng din ang pagkapanal­o ni Gray at pinagpasal­amat sa pagbibigay ng inspirasyo­n ng pagkakaisa at pag-asa sa bansa.

Si Gray ang ikaapat na Pinay na naging Miss Universe, kasunod nina Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines