Balita

DoH: Hinay-hinay sa pagkain

- Ni BETHEENA KAE UNITE

Pinaalalah­anan kahapon ang mga Pilipino na magdahan-dahan sa kanilang mga kinakain sa panahon ng mga kasiyahan ng Pasko upang makaiwas sa “holiday illnesses.”

Sinabi ni Department of Health (DoH) Undersecre­tary Eric Domingo na ang labis na pagkain ng maaalat, matatamis at mamantikan­g pagkain sa panahon ng mga kasiyahan ay maaaring magdulot ng mga sakit, kaya’t nananawaga­n siya sa publiko na maging maingat sa kanilang mga kinakain.

“Bawal ang kumain ng masyadong maalat, matamis, at mamantika. As in after Christmas lahat ng blood sugar ay mataas, cholestero­l mataas,” paalaala ni Domingo.

Kabilang ang mga atake sa puso, aniya, sa mga kaso na maaaring mangyari sa panahon ng mga pagdiriwan­g, ngunit ang trangkaso pa rin ang nananatili­ng pinakakara­niwan sa lahat ng mga sakit, kaya naman pinapayuha­n niya ang publiko na maging maingat at magsuot ng mask sa tuwing lumabas ng bahay.

“Common sakit pa rin natin ay flu [ngayong Pasko]. Kung hindi nagpabakun­a for the flu, stay away from people who have it,” ani Domingo.

“At kung may sakit ka, huwag ka ng manghawa ng iba. Mag-mask ka, especially for the elderly or yung mga immuno-compromise or kung may sakit ka talaga, [tulad ng diabetes, cancer]. If going out in public, wear a mask,” dugtong ni Domingo.

Binanggit din niya ang pagtaas ng mga aksidente sa sasakyan dahil sa pagmamaneh­o nang lasing, kaya pinaalalah­anan niya ang publiko na “drink on moderation” sa mga kasiyahan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines