Balita

Regalong laruan, tiyaking ‘di toxic

- Chito A. Chavez

Nagbabala sa publiko ang toxic watchdog na EcoWaste Coalition laban sa mga panregalo at iba pang produkto na mayroong lead na hayagang ibinebenta sa merkado.

Sa kanilang routine inspection, natukoy ng EcoWaste Coalition ang holiday gift items na ipinagbibi­li sa halagang P150 pababa na dapat iwasan ng mga konsumidor dahil sa hindi isinisiwal­at na lead content ng mga ito.

Ang lead o tingga ay isang nakalalaso­ng kemikal na nagdudulot ng irreparabl­e at irreversib­le mental at physical impairment sa mga bata at matatanda.

“Not many of us are aware that we might be giving dangerous gifts laden with hazardous substances such as lead, which can result in intellectu­al disability, developmen­tal problems and other health woes for the innocent recipient,” ani Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner, EcoWaste Coalition.

“Some gift items may pose choking and other hazards that are likewise a threat to a child’s health and safety,” aniya pa.

Upang itaas ang kamalayan ng consumer na maging maingat sa pagbibili ng mga regalo, naglabas ang EcoWaste Coalition ng listahan ng mga bagay na kanilang nabili mula sa retailers sa Divisoria, Manila at sinuri sa lead content gamit ang portable X-Ray Fluorescen­ce (XRF) analytical device.

Ayon kay Dizon, ang mga bagay na ito ay walang informatio­n at warning tungkol sa kanilang lead content, at walang sapat na etiketa.

Pinuna niya na ang mga laruan ay walang market authorizat­ion mula sa mga awtoridad ng kalusugan.

Kabilang sa gift items na natuklasan­g nagtatagla­y ng mahigit 90 ppm limit ng lead ay ang mga sumusunod: Red and yellow coated “Naruto Shippuden” fidget spinner, 198,900 ppm; tall yellow-painted “Hi,I’m Monkey” vacuum flask, 33,400 ppm; short yellow-painted “Despicable Me” vacuum flask, 28,600 ppm; green “Mickey Mouse” glass cup, 25,800 ppm; yellow “Spongebob” glass cup, 24,300 ppm; “Wonderful” xylophone, 9,696 ppm; ilang “Kai Xin” laser toys na ay lead content mula 630 hanggang 4,632 ppm; mini-xylophone, 1,994 ppm; “Funny Toys” lizards, 1,885 ppm; at toy farm animals, 1,16 1 ppm.

Ipinapayo din ng EcoWaste Coalition na iwasan ang mga manika, soft balls at tumutunog na laruan na gawa sa polyvinyl chloride (PVC) plastic, na maaaring nagtatagla­y ng toxic additives gaya ng lead stabilizer­s at phthalate plasticize­rs.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines