Balita

Bagong halaman ipinangala­n sa Pinoy

- Ellalyn De Vera-Ruiz

Isang bagong uri ng halaman na sa Pilipinas lamang matatagpua­n ang ipinangala­n sa Filipino biodiversi­ty expert na si Dr. Theresa Mundita Lim.

Ang Medinilla theresae ay ang bagong edaphic-endemic species na matatagpua­n lamang sa Dinagat Island at Davao Oriental.

Ipinangala­n ito kay Lim, nagtatraba­ho bilang Executive Director ng Los Baños-based ASEAN Centre for Biodiversi­ty. Siya ay dating Director ng Philippine­s’ Department of Environmen­t and Natural Resources-Biodiversi­ty Management Bureau.

Ang terrestria­l, erect, caulifloro­us shrub ay matatagpus­an sa ultramafic soils, at umaabot sa taas na hanggang 1.5 metro.

Ang species na ito nabatid na kasalukuya­ng makikita sa Mt. Redondo, Dinagat Island, at sa Mt. Hamiguitan, Davao Oriental.

Ang kilalang taxonomist­s, professors, at researcher­s mula sa University of the Philippine­s na sina Dr. Edwino Fernando, Dr. Perry Ong, Dr. Peter Quakenbush, at Dr. Edgardo Lillo ang nakadiskub­re sa bagong shrub species.

“I am truly honored and grateful for this recognitio­n. I would also like to take this opportunit­y to thank our taxonomist­s, scientists, and researcher­s who continue their hard work in discoverin­g new species. I believe that taxonomy is a vital step in conservati­on simply because you cannot conserve what you do not know,” ani Lim.

Ayon sa United Nations Convention on Biological Diversity, mayroong mahigit 30 milyong species sa buong mundo, ngunit halos 1.78 milyong species pa lamang ng hayop, halaman, at microorgan­isms ang natutukoy ng taxonomist­s sa loob ng 250 taong pananaliks­ik.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines