Balita

Kababaihan ng ASEAN para sa kapayapaan

- Francis T. Wakefield

Halos 60 women leaders mula sa Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) Member States ang nagtipon sa Mactan Island, Cebu, nitong Huwebes (Disyembre 13, 2018) para ibahagi ang kanilang mga kuwento, kaalaman, at karanasan sa gender mainstream­ing at upang linangin ang kakayahan ng kababaihan sa kani-kanilang bansa para isulong ang kapayapaan sa rehiyon.

Ang bunga ng partnershi­p sa pagitan ng Office of the Presidenti­al Adviser on the Peace Process (OPAPP) at ng ASEAN Women, kabilang sa mga paksang tinalakay sa “Symposium on the Establishm­ent of the ASEAN Women for Peace Registry (AWPR)” ang papel ng kababaihan sa peace and security, mga tagumpay ng kababaihan, at pagsulong sa human dignity at human rights sa ilalim ng konteksto ng peace reconcilia­tion at conflict resolution.

Sa kanyang bahagi sa Operationa­lizing ng “Joint Statement on Promoting Women, Peace and Security (WPS) in ASEAN,” muling idiniin ni OPAPP Undersecre­tary Diosita T. Andot ang pangako ng gobyerno ng Pilipinas sa AWPR upang isulong ang WPS agenda sa bansa.

Tinukoy din ng symposium ang mga action plan para sa ASEAN gayundin ng ASEAN Member States para epektibong maipatupad ang Joint Statement sa WPS.

Ang okasyon ay inorganisa ng ASEAN sa pamamagita­n ng kanyang Institute for Peace and Reconcilia­tion, katuwang ang OPAPP, Ateneo de Manila University, at ang Norwegian Ministry of Foreign Affairs.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines