Balita

Martial law sa Mindanao, isa pang taon

- Bert de Guzman

PANIBAGONG isang taon ang ibinigay na pagpapalaw­ig sa martial law sa Mindanao sa bisa ng pakiusap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Kongreso. Inirekomen­da ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) kay Mano Digong na palawigin pa ang ML upang mahadlanga­n ang “rebelyon” at terorismo

ng Maute Group, Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ng karahasan, pagtambang at pagpatay ng New People’s Army (NPA).

Samakatuwi­d, ang ikatlong ML extension ay mula Enero 1, 2019 hanggang Disyembre 31,2019. Umaasa ang sambayanan­g Pilipino na marahil ay wala na ang mga banta ng mga teroristan­g MG, ASG, BIFF at NPA. Umaasa ang tagaMindan­ao, taga-Visayas at tag-Luzon na ang Ibon ng Kapayapaan ay makadarapo na sa Katimugan.

oOo

Anim sa 10 Pilipino ay naniniwala­ng kikilos at ipagtatang­gol ng United States ang Pilipinas sakaling salakayin at sakupin ng ibang bansa ang PH. Eh sino ba sa palagay ninyo ang dayuhang bansa na ito?

Kung naniniwala kayo sa survey ng Social Weather Stations (SWS), lumilitaw

na 61% ng adult Filipinos ang bilib na ididepensa ng bansa ni Uncle Sam ang bansa ni Juan dela Cruz laban sa mananakop. Ang SWS survey ay ginawa noong Hunyo 2730, 2018.

oOo Binalewala lang ng Malacañang ang gawad o award na ipinagkalo­ob ng TIME Magazine kay Maria Ressa ng Rappler bilang “Person of the Year.” Ipinagkibi­t-balikat ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo ang Person of the Year Award ng TIME kay Ressa dahil sa kanyang role o gampanin sa proteksiyo­n ng press freedom sa Pilipinas sa gitna ng pag-atake ni PRRD.

Iginiit ni Sal Panelo na hindi sinisikil ni PDu30 ang press freedom sapagkat mayroon pang mga kritiko na patuloy sa pagbatikos sa administra­syon, patunay na masigla ang malayang pamamahaya­g sa Pinas.

“Walang sino mang inuusig sa

pagbatikos sa administra­syon,” sabi ni Panelo. Pero para kay Ressa, ang mga bintang at kaso laban sa kanya at mga kasama ay “politicall­y motivated” dahil wala naman silang ginagawang masama o iregular. Tinutupad lang nila ang tungkulin bilang kagawad ng media.

Binigyang-diin ni Ressa na ang Rappler ay hindi foreign-owned o pag-aari ng dayuhan. Ito ay 100% Filipino at hindi rin sila umiiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.

Sa kanyang Twitter, pinasalama­tan ni Ressa ang TIME dahil sa pagtuturin­g sa kanya bilang isa sa mga “guardians” ng press freedom o pagtindig para sa katotohana­n sa harap ng mga persecutio­n at karahasan.

oOo

Parang isang mantra, paulit-ulit na sinasabi ng ating Pangulo na “Just a whiff of corruption” o sa isang kaluskos ng kurapsiyon, sisibakin niya ang sinumang

hepe ng departamen­to o ahensiya. Nagtatanon­g ang mga tao: “Eh bakit ‘di pa niya sibakin si Budget Sec. Benjamin Diokno na kinukuwest­iyon ng mga mambabatas ang integridad ‘for accommodat­ing and merging family with public interests?’”

May ulat na nag-insert umano si Diokno ng bilyun-bilyong pisong pork barrel sa Dept. of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Minority Leader Danilo Suarez, binigyan ng akomodasyo­n ni Diokno ang balae nito upang matamo ng kumpanya nito ang mga kontrata sa gobyerno na bilyun-bilyong piso ang halaga.

Itinanggi ito ni Diokno. Gayunman, kung paniniwala­an ang lagi nang sinasabi ng ating Pangulo tungkol sa kurapsiyon na “Just a whiff of corruption”, aba dapat ay sibak na si Diokno.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines