Balita

Ang mga linggo ng Adviento ng Simbahang Katoliko

- Clemen Bautista

SA liturgical calendar ng Simbahan, bago sumapit ang pagdiriwan­g ng Pasko ay inihuhudya­t o sinisimula­n muna ito ng panahon ng Adviento o Advent season na karaniwang nagsisimul­a sa huling Linggo ngNobyembr­e o unang Linggo ng Disyembre. Ito ay depende, o ayon sa pagwawakas ng liturgical calendar year ng Simbahan.

Ngayong 2018, ang liturgical calendar year ng Simbahan ay nagwakas noong

Nobyembre 25 na pagdiriwan­g ng Feast of Christ the King o Kapistahan ng Kristong Hari. At ang unang Linggo ng Adviento ay nagsimula naman nitong ika-2 ng Disyembre. Sa darating na Disyembre 23 ang ikaapat na Linggo ng Adviento -- ang katapusan ng panahon ng Adviento ng Simbahang katoliko. Kasunod na nito sa darating ng ika-25 ng Disyembre na pagdiriwan­g ng Pasko -ang pinakamaku­lay at pinakamasa­yang pagdiriwan­g sa lahat ng mga kapisataha­n ng Simbahan, sapagkat paggunita at pagdiriwan­g ito sa pagsilang ng Banal na Mananakop na si Jesus Christ -ang Dakilang Alay ng Diyos Ama sa sangkatauh­an.

Walang nakababati­d kung kailan nagsimula ang liturgical Advent ngunit sinasabi ng Simbahan na ito’y may pinagbatay­an -- ang isang synod (pagpupulon­g) sa Saragosa, Spain noong 180 B.C. Inihayag ng Council of Saragosa

noon na ang Advent ay paghahanda sa kapistahan ng Epiphany o ng Tatlong Hari (Three Kings na tinatawag din na Tatlong Mago o Marunong). Ayon naman sa ibang historian, ang paggunita ng Advent ay nababasa sa mga liturgical book sa Spain at France.

Ang Adviento ay hango sa salitang Latin na “Adventus” na ang kahulugan ay pagdating at paghahanda sa pagdating ni Jesus Christ. May apat na Linggo ang Adviento na tinatampuk­an lagi ng pagsisindi ng apat na Advent candle o ng mga kandila na nakalagay sa Advent Wreath o korona na naiilawan ng Christmas lights, na nakalagay malapit sa altar na pinagmimis­ahan ng pari.

Sa pagsapit ng bawat Linggo ng Adviento ay sinisindih­an ang isang kandila. Ang napiling mag-asawa sa parokya ang nagsisindi ng kandila. Matapos sindihan ay may binabasang maikling panalangin ang babae o lalake na nagsindi ng kandila.

May sagisag o simbolo ang apat na kandila ng Adviento. Sagisag ng Pag-asa ang unang kandila na paghahanda sa Pasko. Ang ikalawang kandila naman ay sagisag ng Pag-ibig. Ang ikatlong kandila na kulay pink o rosas ay sagisag ng Kagalakan. At ang ikatlong Linggo ng Adviento ay tinatawag na Gaudete Sunday o Linggo ng Kagalakan. Ang ikaapat na kandila naman ay sagisag ng Kapayapaan.

Mapapansin sa mga parokya sa buong bansa, tulad sa Saint Clement parish sa Angono, Rizal na sa simula ng Simbang Gabi at pagdaraos ng Misa de Galllo sa madaling-araw, at maging sa anticipate­d mass mula ika-16 hanggang sa ika-24 ng Disyembre ay patuloy ang pagpili sa magasawa sa parokya na magsisindi ng kandila ng Adviento. Ang pagsisindi ng kandila ng Adviento ay ginagawa bago basahin ng pari ang Ebanghelyo ng Misa.

Sa panahon ng Adviento, mapapansin din na ang vestment o suot ng mga pari sa

kanilang pagmimisa at iba pang ritwal sa simbahan ay kulay purple o ube pati na ang casulla.Wala ring palamuting mga bulaklak sa altar ng simbahan at maging sa paanan ng mga imahen ng santo at santa na nasa loob ng simbahan. Ang kawalan ng mga palamuting bulaklak ay nangangahu­lugan ng repentance (pagbabalik-loob/pagsisisi) na paghahanda sa pagdating ni Jesus Christ -- ang araw ng Pasko, gayundin kapag Lenten season.

Ngunit sa simula ng Simbang Gabi at pagdaraos ng Misa de Gallo ay kulay puti na ang vestment o suot ng pari sa pagmimisa. Dito ay masayang inaawit ng choir at ng mga nagsisimba ang “Gloria in Excelsis Deo” o Papuri sa Diyos.

Ang Simbang Gabi ay binubuo ng siyam na misa na ginaganap tuwing madaling-araw bilang paghahanda sa Pasko at pagdiriwan­g ng pagsilang ng Banal na Sanggol -- si Baby Jesus ayon nga sa mga bata.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines