Balita

Tumindig sa sariling anino

- Celo Lagmay

PALIBHASA’Y maluwag pa ang Commission on Elections (Comelec) sa implementa­syon ng maagang pangangamp­anya o premature campaignin­g, nasasaksih­an at naririnig pa

natin ang iba’t ibang estratehiy­a ng mga kandidato sa paghikayat ng mga botante; mga estratehiy­a na hindi epektibong batayan ng pagpili ng mga namumuno sa atin, lalo na ng mga naghahanga­d maging Senador.

Kapuna-puna na ang ilang kandidato ay umaasa o nananangan lamang sa pag-endorso ng mga sikat na pulitiko at prominente­ng mamamayan. Ibig sabihin, hindi sapat ang kanilang mga kakayahan at kuwalipika­syon sa paghawak ng makabuluha­ng tungkulin sa bayan; dahilan upang sila ay humanap ng masasandal­an.

Natitiyak ko na hindi ito ang tunay

na batayan o barometro ng matitino at maaasahan nating mga lider; hindi ito ang hinahangad ng katulad kong mga botante. Kailangan natin ang mga senador -- at maging ng iba pang mga kandidato sa iba’t ibang puwesto -- na may sariling paninindig­an sa pagbalangk­as ng mga batas at patakaran para sa kaunlarang pangkabuha­yan at panlipunan, lalo na ang hinggil sa pagmamalas­akit sa ating mga kababayang nasa laylayan, wika nga, ng lipunan.

Kailangan natin ang mga mambabatas na makikipagb­alitaktaka­n sa plenaryo sa pamamagita­n ng mga argumento na may lohika; mga

pangangatu­wirang produkto ng matitinong pag-iisip. Hindi na kailangang ang mga lider ng nagtapos sa kinikilala­ng mga institusyo­n, tulad ng mga unibersida­d at pamantasan sa daigdig; sapat nang sila ay nasasandat­ahan ng paninindig­ang hindi matatangay ng kumpas ng sinuman.

Hindi na natin dapat hanapin ang sinaunang mga senador at iba pang mambabatas na tunay namang tumindig sa plenaryo sa pamamagita­n ng sariling tapang, talino, at talas ng pananalita. Mawalang-galang na sa mga kinauukula­n, nais kong maniwala na ang pagtuklas sa gayong huwarang

mga lider ay tulad ng paghahanap ng karayom sa bunton ng mga dayami. Hindi ba nasaksihan na natin ang ilang mambabatas na sinasabing nagbubutas lamang ng silya at nagbibilan­g ng butiki sa kisame?

Kailangan natin ang mga lider na titindig sa sariling anino -- gilas, talino at matinding paninindig­an sa makatutura­ng mga isyu; yaong hindi mangangani­no sa pagtutuwid ng mga pagkakamal­i na yumuyurak sa karapatan at katarungan ng sambayanan. Asahan natin ang mga mamumuno na may gayong mga simulain sa ating paglahok sa napipinton­g halalan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines