Balita

Kislap sa dilim si Catriona Gray

- Ni DINDO M. BALARES

PAGIGING positibo sa gitna ng mga kanegahang namamayani ngayon sa mundo at inspirasyo­n sa mga bata lalo na sa mahihirap na lugar ang umaalingaw­ngaw na mensahe ni Catriona Gray, ang bagong Miss Universe titlist ng Pilipinas.

Highly creative si Catriona maging sa kanyang mga galaw sa stage, napapahint­o niya ang mundo sa kanyang “slow-mo twirl” at may subliminal ding mensahe ng nasyonalis­mo maging sa kanyang mga kasuotan, tulad ng sinag ng araw sa bandila sa kanyang hikaw at Bulkang Mayon sa disenyo ng kanyang gown. Nagsuot din siya ng mga katutubong habi sa pageant.

Tubong Oas, Albay ang ina at Scottish na nanirahan sa Australia ang ama ni Catriona, at isinilang naman siya sa Franserbur­gh. Pagkatapos ng high school sa Australia ay sa Pilipinas na nanirahan ang dalaga at nagtrabaho bilang model.

Nagtamo siya ng Certificat­e in Music Theory sa Berklee College of Music sa Boston, Massachuse­tts, black belter, naging lead singer ng jazz band at lumabas sa Miss Saigon play noong high school.

Sumali rin si Catriona sa Little Miss Philippine­s ng Eat Bulaga noong maliit pa. Palaban sa buhay at hindi basta-basta sumusuko sa mga pangarap ang ikaapat na Pilipinang Miss Universe.

Hindi siya pinalad sa Miss World noong 2016, pero sumabak uli siya sa mga paghamon sa Miss Universe.

Ang higit na kahanga-hanga ay ang pagiging independen­t candidate ni Catriona.

“I prepared early,” pahayag niya kay Nherz Almo na exclusive na inilabas sa GMAnetwork.com ilang araw bago siya lumipad patungong Bangkok, Thailand para sa Miss U pageant. “I prepared like six months in advance like, walking and performanc­e.”

Sa naturang interview niya ibinunyag na walang beauty pageant camp na umaalalay sa kanya, tanging mga kaibigan lang.

“In the very, very, beginning medyo fearful ako. Kasi, an independen­t candidate has never one Miss Universe Philippine­s in the last 10 years, o there was an element like, ‘Can it be done?’ But the people I chose to surround myself are so positive and sobrang supportive. “Being able to pick on team that focuses only on you… Usually naman po sa camp, it can be up to 15 girls at one time, so ‘yung focus is divided.

“Being able to have that concentrat­ed focus on my journey and being able to input sa creative -- sa evening gown ko, sa earcuffs ko, sa lahat ng aspects ko sa pageant -- it’s very fulfilling and I feel very supported.”

Masidhi ang hangarin ni Catriona na maging proud ang mga Pilipino sa kanya bilang kinatawan ng bansa sa pinakapres­tihiyosong beauty pageant. Sa kabila ng maraming balakid, gamit ang pagmamahal sa mga kababayan, pagiging malikhain at positibo sa buhay, uuwi siyang ipinagbubu­nyi hindi lang ng buong Pilipinas kundi ng buong mundo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines