Balita

Pete Davidson, dinagsa ng suporta

-

LABIS ang pag-aalala ng fans at kaibigan ni Pete Davidson sa kanya matapos niyang mag-post ng umano’y “suicidal post” sa Instagram nitong Sabado, ayon sa Entertainm­ent Tonight.

Binura ng 25 taong gulang na comedian ang kanyang Instagram makaraang mag-post ng cryptic at concerning message. “I really don’t want to be on this earth anymore. I’m doing my best to stay here for you but i actually don’t know how much longer i can last. all i’ve ever tried to do was help people,” post ni Pete. “Just remember I told you so.”

Dumagsa naman ang suporta para kay Pete sa social media. May nagmamakaa­wa pang fans na tingnan at hanapin ang Saturday Night Live star, habang ang iba naman ay patuloy ang paghahatid ng suporta para sa kanya.

“Go & give this man some love. My God,” tweet ni Nicki Minaj, habang nanawagan naman si Loni Love sa SNL para matulungan si Pete “(to) get the treatment he needs.”

Nagpahayag din si Meghan McCain

ng kanyang saloobin, at hinikayat niya ang fans na maging “kinder” sa isa’t isa, habang sinabi naman ni Machine Gun Kelly na makikipagk­ita siya nang personal kay Pete.

Ang post ay kasunod ng pagbibigay ng shout-out ni Pete kay Kanye West, na bukas sa publiko ang nilalabana­ng mental illness.

“Bravo Kanye West for standing up for yourself and speaking out against mental health,” post niya. “I can’t explain to you enough how difficult and scary it is to be honest about stuff like this. We need people like Kanye. No one should ever point fingers at you for your bravery in speaking about mental health. I’m seriously disgusted.”

Ilang linggo bago rito, nanawagan ang ex-fiancee ni Pete, si Ariana Grande, sa kanyang fans na maging “gentler” kay Pete.

“I care deeply about Pete and his health. I’m asking you to please be gentler with others, even on the Internet,” post niya sa kanyang Instagram Story, pagkatapos niyang mag-post ng isang emotional post tungkol sa bullying.

“I’ve been getting online bullied and in public by people for 9 months. I’ve spoken about BPD and being suicidal publicly only in the hopes that it will help bring awareness and help kids like myself who don’t want to be on this earth,” aniya. “No matter how hard the internet or anyone tries to make me kill myself. I won’t. I’m upset I even have to say this.”

 ??  ?? Pete
Pete

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines