Balita

Josh Groban, may post-Valentine concert sa Manila

- Manila Bulletin Entertainm­ent

MAGKAKAROO­N ng concert ang internatio­nally renowned singer, songwriter, at actor na si Josh Groban sa Mall of Asia Arena sa Feb. 22, 2019.

Sumikat ang 35 taong gulang na singer at tubong Los Angeles noong 2001 dahil sa kanyang 5x platinum debut, na sinundan ng kanyang 6x platinum noong 2003, ang Closer, at ang double-platinum na Awake noong 2006.

Noong 2007, siya ang itinanghal na bestsellin­g recording artist of the year, dahil sa kinita ng kanyang awitin na

Awake at kanyang blockbuste­r

6x platinum, Grammynomi­nated

Christmas album na Noel — ang best-selling album noong 2007.

Bago magtapos ang taong 2010, inilabas ni Josh ang Rick Rubin-produced, gold-certified Illuminati­ons. Na sinundan ng All That Echoes

noong 2013, na nakasungki­t ng No. 1 spot sa Billboard Top 200 chart, na kanyang unang No. 1 debut at ikatlong chart-topper.

Noong April 2015 inilabas ni Josh ng ikapitong studio album niya, ang Stages — isang koleksyon ng ilan sa pinakamahu­husay na musical theater songs sa kasaysayan, na inilarawan ni John a “gorgeously arranged songs that have stood the test of time.”

Noong 2016 naganap ang Broadway debut ni Josh sa bagong musical na Natasha, Pierre & The Great Comet of 1812.

Ang kanyang biggest hits ay To Where You Are, You’re Still You at You Raised Me Up.

 ??  ?? Josh
Josh

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines