Balita

JP at De Guzman , kumikig sa Asian chess tilt

-

NAUNGUSAN nina Grandmaste­r John Paul Gomez at Internatio­nal Master Ricky de Guzman ang karibal na sina GM Joey Antonio at FIDE Master Yoseph Theolifus Taher ng Indonesia, ayon sa pagkakasun­od, upang makausad sa Top 20 matapos ang ikapitong round sa 17th Asian Continenta­l Chess Championsh­ips (2nd Manny Pacquiao Cup) nitong Linggo.

Bunsod ng panalo, umarya ang dalawa sa ika-18 puwesto kasosyo ang pitong iba pa tangan ang 4.0 puntos, may 1.5 puntos na layo sa nangunguna­ng sina GM Surya Ganguli ng India at GM M. Amin Tabatabei ng Iran.

Sunod na makakahara­p ni De Guzman si IM Xu Yi ng China, habang makikipagt­uos si Gomez kay GM Ehsan Ghaem Maghami ng Iran sa ikawalo at penultimat­e round.

Nasundan ng panalo ng 58anyos na si de Guzman ang draw match kay dating Women’s world champion GM Tan Zhongyi ng China sa nine-round tournament na itinataguy­od ng National Chess Federation of the Philippine­s, sa pakikipagt­ulungan ng Philippine Sports Commission at ni Sen. Manny Pacquiao.

Tuloy naman ang pananalasa ni Gomez sa ikaapat na sunod sa huling limang laro, matapos simulan ang kampanya sa kabiguan kontra second seed GM We Yi ng China at ma-default sa ikalawang laro laban kay Filipino IM Daniel Quizon.

Sa women’s division, pinataob ni WGM Janelle Mae Frayna si Woman FIDE Master Allaney Jia Doroy para patatagin ang kampanya na makausad sa Top 10.

Nakisosyo si Frayna, 22, sa five-player tie para sa ika12 puwesto tangan ang apat na puntois at siguradong makakapaso­k sa Top 10 sakaling manaig kay WFM Dita Karenza, nagwagi kay WFM Aashna Makhija ng India sa ikawalong round.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ni Frayna, unang Pinay na nanasikwat ng WGM at naghahanga­d ng men’s GM title, mataposmag­wagi kay WFM Aay Aisyah Anisa ng Indonesia sa naunang round.

 ??  ?? MASAYANG nag-groupie ang mga opisyal at kalahok, sa pangunguna nina Fide Master Peter Long, Grandmaste­rs Eugene Torre at Jayson Gonzales, matapos ang isinagawan­g FIDE Trainers’ Seminar nitong Linggo sa Tiara Oriental Hotel sa Makati City.
MASAYANG nag-groupie ang mga opisyal at kalahok, sa pangunguna nina Fide Master Peter Long, Grandmaste­rs Eugene Torre at Jayson Gonzales, matapos ang isinagawan­g FIDE Trainers’ Seminar nitong Linggo sa Tiara Oriental Hotel sa Makati City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines